Helan Gamboa, Sharon Cuneta ayaw magbati | Bandera

Helan Gamboa, Sharon Cuneta ayaw magbati

- March 20, 2012 - 03:15 PM

Pero ibang klase ang mga pahaging, pasaring at mga tsika ni Megastar Sharon Cuneta tungkol pa rin sa lumabas na tila word war nila ng kanyang tiyahing si Helen Gamboa.

Nagbiro nga kami sa aming programa sa DZMM noong Sabado ng gabi na siguro ay masyado lang na-carried away si Ms. Helen na napakagaling naman talaga bilang si Margaret sa soap na Walang Hanggan.

Kakaiba kasi ang peg niya sa serye na mataray, mapang-api, mapanglait at super nega sa mga mahihirap at pati sa sariling kapatid na ginagampanan ni Ms. Susan Roces.

Sang-ayon ang aming listeners dahil talaga daw kasumpa-sumpa si Ms. Helen sa Walang Hanggan bilang nanay ni Richard Gomez at lola nina Paulo Avelino at Melissa Ricks.

“Baka ang feeling niya, nasa Walang Hanggan pa rin siya nang sagutin niya ang mga tweet ni Sharon,” text ng mga listeners  namin.

“Eh di naman siya titigilan o tatantanan ni Mega.

Kita ninyo, mabilis ang resbak ni Mega na bata pa siya ay bilyonaryo na siya at super yaman,” ang mataray pang komento ng isang nagpakilalang dating kababata ni Sharon at nakakakilala sa pamilya nina Mommy Elaine (nanay ni Mega na sister ni Ms. Helen).

Pramis, nalulungkot kami na umabot na sa usaping pera ang isang problema ng pamilya na pwede namang pag-usapan privately pero sumabog na nga sa buong bayan.

Ang dagdag kaluka-lukahan pa dito, eh, mabilis pa sa alas-kuwatro ang mga reaksyon ng mga taong involved at (pati na rin yung mga nakikisawsaw) dahil sa mga social networking sites na ‘yan.

Kung sino ang unang magpaparaya at maglalatag ng peace offering ay siya nating aabangan dahil kahit saan sila mag-ikutan at kahit anong gawin nilang laglagan, at the end of day ay magkapamilya  pa rin sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending