Donaire masusukat ngayon kontra Walters | Bandera

Donaire masusukat ngayon kontra Walters

Melvin Sarangay , |October 19,2014
facebook
share this

Donaire masusukat ngayon kontra Walters

Melvin Sarangay - , October 19, 2014 - 12:00 PM

SASABAK ngayon si Nonito Donaire Jr. sa loob ng ring laban sa isang mapanganib at gutom na katunggali na si Nicholas Walters ng Jamaica sa kanilang World Boxing Association featherweight title fight sa StubHub Center sa Carson, California, USA.

Pipiliting buhayin muli ni Donaire ang lumamyang boxing career matapos makalasap ng masakit na pagkatalo kay Guillermo Rigondeau noong isang taon at makabangon kontra kay Vic Darchinyan.

Ang matinik na boxing style at matinding left hook ay patuloy pa ring sasandalan ni Donaire sa pagsagupa niya sa walang talo at maskuladong si Walters.

Pareho silang tumimbang sa bigat na 125.6 pounds sa official weigh-in kahapon sa labas ng bantog na sports complex.

Ayon naman sa mga organizers ay masasaksihan sa StubHub ang pinakamalaking boxing crowd sa kasaysayan kung saan inaasahan na aabot sa 10,000 ang mga manonood dito.

Pareho namang maghahanap ng knockout panalo sina Donaire at Walters sa laban kung saan sinabi pa ng huli na patutulugin niya ang ang Pinoy boxing champion sa loob ng limang round.

Si Donaire ay dehado rin sa online betting kung saan pinapaboran si Walters, 125 sa 105.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending