Julie Anne, Frencheska Farr nag-showdown sa ‘Let My Fire Out’ concert | Bandera

Julie Anne, Frencheska Farr nag-showdown sa ‘Let My Fire Out’ concert

Ervin Santiago |October 19,2014
facebook
share this

Julie Anne, Frencheska Farr nag-showdown sa ‘Let My Fire Out’ concert

Ervin Santiago - October 19, 2014 - 03:00 AM

franchezca par
Nag-enjoy kami sa nakaraang concert ng Kapuso singer-actress na si Frencheska Farr na alay niya sa kanyang pamilya, mga kaibigan at loyal supporters.

Ginanap ang “Let My Fire Out” show ni Frencheska sa Teatrino sa Greenhills noong Huwebes ng gabi na dinaluhan din ng mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz and music industry.

In fairness, kering-keri na nga ng dalaga ang mag-solo concert dahil base sa ipinakita niyang performance, sumobra pa sa expectation namin ang ginawa ng female grand champion ng dating talent search ng GMA na Are You the Next Big Star?

Pinahanga ni Frencheska ang audience sa kanyang song and dance production numbers. She described the whole show as “‘very personal” dahil ito nga ang kauna-unahang concert na inialay niya sa mga taong patuloy na nagtitiwa sa kanya as an artist.

“Para sa akin ito na ‘yung chance, na ipinagkaloob sa akin ng Artist Center to show who I really am. And ito na ‘yung chance ko after five years na makakanta ko ‘yung ibang mga kanta [na] gusto ko talagang kantahin.

At makapag-share man lang ako ng a part of me sa audience,” chika ni Frencheska during the show. Pero para sa amin, ang talagang pinalakpakan ng mga nanood ay ang duet nila ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose, na itinuturing na niyang bestfriend.

Kinanta nila ang “Bang Bang” nina Jessie J, Ariana Grande at Nicki Minaj. Special guest din ni Frencheska ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Isa pa sa nagustuhan naming part ang nang kinanta na ni Frencheska ang kanyang sariling composition na “Let My Fire Out” na isinulat daw niya noong panahong medyo depressed siya.

Na-touch naman ang audience nang i-dedicate niya ang kantang “Fix You” ng Coldplay. Nakita rin namin sa concert ni Frencheska para sumuporta sa dalaga sina Rocco Nacino, Miguel Tanfelix, Bela Padilla, at ang dating La Diva na sina Maricris Garcia, Aicelle Santos at Jonalyn Viray na halatang hindi nagpansinan that night.

Yes, kitang-kita namin ang pagdededmahan ng tatlo, kaya nang makachikahan naman namin si Jonalyn kinabukasan sa pocket presscon ng kanyang nalalapit na concert na “Fearless The Repeat” ito agad ang tinanong namin sa kanya. And that’s another story to tell.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending