Angelica sa kasong pakikiapid: Mapapahamak ako! | Bandera

Angelica sa kasong pakikiapid: Mapapahamak ako!

Ervin Santiago |October 19,2014
facebook
share this

Angelica sa kasong pakikiapid: Mapapahamak ako!

Ervin Santiago - October 19, 2014 - 03:00 AM

angelica panganiban
TIGAS pa rin sa pag-iwas si Angelica Panganiban sa mga tanong na may kaugnayan sa kasong pakikiapid na isinampa laban sa kanila ni Derek Ramsay ng estranged wife nitong si Mary Christine Jolly sa Parañaque Prosecutor’s Office.

Sa presscon ng bagong pelikula ni Angelica, ang “Beauty In A Bottle” ng Skylight at Quantum Films, tumanggi ang Kapamilya actress na magkomento sa demandang concubinage na kinakaharap nila ni Derek.

“Mapapahamak po ako so hindi ko po siya pwedeng sagutin,” sey ni Angelica nang makorner ng media pagkatapos ng presscon ng comedy film na “Beauty in a Bottle” na showing na sa Oct. 29 nationwide kung saan makakasama niya sina Assunta de Rossi at Angeline Quinto.

Ito ang first directorial job ng magaling na scriptwriter na si Antoinette Jadaone (sumulat ng Da Possessed ni Vhong Navarro).
Sey ni Angelica, nagpapasalamat naman siya sa kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanya sa bawat pagsubok na dumarating sa kanyang buhay.

Chika pa ng aktres, kapag kasama niya si Lloydie ramdam niya na siya na ang pinakadyosa sa balat ng lupa. “Feeling ko parang ang kapal ng hair ko. Ang lago, ang ganda. Ang bango ko, ang ganda ng smile ko, lahat talaga,” pahayag ni Angel.

Samantala, bumilib kami kay Angelica dahil pumayag siyang gamitin sa pelikulang “Beauty In A Bottle” ang katabaan niya para pagtawanan ng manonood.

Gaganap siya sa movie na isang dating sikat na artista at endorser na nanganganib na malaos dahil sa sobrang katabaan. Sa presscon ng movie, natanong siya kung ano ang reaksiyon niya sa mga nanlalait sa kanyang katawan, sey  ng aktres, wala raw siyang pakialam.

“‘Yun ako, e. Choice ko ‘to. Ngayon gusto kong gawin, kumain, mag-enjoy. Ito ang gusto ko, katawan ko ‘to. “Kung hindi mo ’to trip, kung hindi mo ’to gusto, o, e di ano naman? Hindi rin naman kita gusto.

So, pantay lang, ’di ba? It’s a tie!” natatawang chika ng GF ni John Lloyd na in fairness ay medyo pumayat na ngayon. Kailangan din daw kasi sa movie na pumayat siya kaya nagbawas talaga siya ng timbang.

Bukod nga kina Angeline at Assunta, makakasama rin sa “Beauty In A Bottle” sina Carmi Martin, Tom Rodriguez, Ellen Adarna, Empress, Dimples Romana at marami pang iba. Showing na ito sa Oct. 29.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending