Ina ni Alice Dixson na may Dementia, pinagnakawan lang, hindi sinaktan | Bandera

Ina ni Alice Dixson na may Dementia, pinagnakawan lang, hindi sinaktan

Cristy Fermin |October 19,2014
facebook
share this

Ina ni Alice Dixson na may Dementia, pinagnakawan lang, hindi sinaktan

Cristy Fermin - October 19, 2014 - 03:00 AM

sherry pie picache
Mabuti na lang at pagnanakaw lang ang nangyari sa dakilang ina ni Alice Dixson, salamat at naligtas sa kamatayan ang mahal niyang nanay, kung hindi ay dalawa na sila ngayon ni Cherry Pie Picache na humihingi ng katarungan.

Ngayon pa lang bumabawi si Alice sa kanyang ina, matagal na panahon silang nagkahiwalay dahil sa paninirahan niya sa Canada, kaya ganu’n na lang ang pag-aasikaso ng aktres sa kanyang mommy.

May nag-aalaga sa kanyang nanay, pinagkakatiwalaan nila ang babae, pero isang araw ay nalaman na lang nila na wala na ang mga alahas at ilang mahahalagang dokumento nito.

Siyempre’y hindi ‘yun nanggaling sa kanyang mommy, may dementia na ito, napansin na lang ni Alice na wala na ang mga alahas na suot ng kanyang ina at bigla na ring nawala ang kanilang kasambahay.

Usung-uso ngayon ang mga ganitong pangyayari, walang kalaban-laban ang matatanda, kaya sila ang nabibiktima.
Laking pasalamat na lang ni Alice dahil hindi naman sinaktan ang kanyang mommy.

Naka-wheelchair na ngayon ang nanay ni Alice Dixson, alagain na, pero kinaya pa ring biktimahin ng kanyang tagapag-alaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending