Rayver magugulo lang ang buhay pag naging dyowa si Kylie
ANG saya ng guesting ng isa naming mahal na anak-anakang si Rayver Cruz sa “Mismo” program namin sa DZMM a few days ago. Pinag-usapan namin ang movie nila ni Kylie Padilla entitled “Dilim” na obvious namang horror film.
Produced ito ng Regal Films kaya sure tayong nakakatakot ang pelikulang ito dahil kilala ang Regal sa paggawa ng mga de-kalidad na horror movies. Plus the fact na si Joey Reyes ang direktor ng pelikula.
Pinag-usapan namin ng co-host ko that time na si Papa Ambet Nabus dahil nag-two day-leave si Papa Ahewl Paz, ang feeling pag ikaw ay nasa gitna ng dilim – nagulat kami sa admission ni Rayver na takot pala siya sa dilim.
“Kasi mula nang bata pa ako, I associate dilim with moomoo. Kaya kahit lumaki na ako, sa totoo lang natatakot pa rin ako sa dilim. Though wala pa naman akong experience na kababalaghan sa dilim, sana huwag naman please.
Ha-hahaha! Kasi nga, napakaraming horror stories na nangyayari pag madilim, di ba? “Palagi kaming kinukuwentuhan ng mommy namin ng tungkol sa multo noong bata pa kami kaya dala-dala ko ito hanggang sa paglaki ko.
Tingnan mo naman kung gaano ako kalaki – matangkad ako at alam kong matapang din pero pagdating sa dilim, patay tayo diyan. Ha-hahaha!” he said.
Kahit sino naman actually ay meron kahit paanong fear of kadiliman. Even the bravest guys on earth ay may fear of the dark. Kahit ako, minsan I just pretend to be matapang sa dilim pero at the back of my mind, pasimple akong lumilinga-linga at baka meron akong makitang spirit.
Mahirap kasing kalaban ang moomoo – wala ka talagang laban unlike sa mga buhay, kahit pinakamatapang pa ay alam mong makakaganti ka o makakalaban kahit paano. Pag moomoo, wala ka talagang laban, tama?
Maganda raw ang story nitong “Dilim” nina Rayver and Kylie. Sa Wednesday (Oct. 22) na ito ipalalabas sa regular theaters kaya abangan ninyo
Speaking of Rayver Cruz, I bumped into him two weeks ago sa UCC Morato dahil may ka-meeting ako that time while Rayver and his manager Albert Chua dropped by to eat.
Merong isang lalaki sa kabilang table namin ang talagang hindi nakatiis na lumapit sa akin para makiusap kung puwede ko raw ba siyang kunan ng picture with Rayver. Hindi ito bading ha – as in, lalaki talaga.
“Hanga ako sa kaniya as a dancer kasi palagi ko siyang napapanood sa ASAP. Galing niyang sumayaw kahit sobrang tangkad niya. Normally kasi pag matangkad ang isang tao, awkward na kumilos pag sumayaw pero siya hindi. Galing niya sobra,” anang lalaking fan ni Rayver.
I called for our baby Rayver and he gladly posed with the man sa foto-op na iyon, “Bata pa kasi ako nag-start sumayaw kaya dire-diretso ang practice ko kaya siguro naka-adjust ang katawan ko sa moves ko,” paliwanag ni Rayver.
Oo nga naman, Kasi kung ngayon lang siya natutong magsasayaw ang tendency ay hindi makakasabay sa mga jerks and bends niya ang muscles niya.
Pero since sanay na siya sa sayawan, madali na nga niyang diktahan ang joints niya to move sa beat. How about his lovelife? “Wala muna ngayon. Focus muna sa work.
Sasabihin ko sa iyo pag nagka-girlfriend na ako. Kahit habang nanliligaw pa lang ako Tito Jobs, magpapaalam muna ako sa iyo. “Yung kay Kylie kasi, friends lang muna talaga.
Maganda siya – sobra – kahit sinong lalaki ay mapapalingon sa kaniya. Yes, we go out as a group – hindi naman puwedeng date iyon. Ayoko namang ligawan siya dahil may movie kami together.
Malalaman natin iyan pag tapos na ang showing ng movie namin. Ayokong isipin nilang gumigimik lang kami,” sabi pa ni Rayver sa amin.
Pero kung ako ang tatanungin, honest opinion ko lang ha – sa nakikita ko, hindi kayo bagay ni Kylie. Mas magandang huwag mo na lang siyang ligawan. Magulo iyan pagdating sa lovelife – Padilla kaya iyan. Baka guluhin ka lang ng tatay niyang si Robin. Mahirap na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.