Horoscope, October 19, 2014 | Bandera

Horoscope, October 19, 2014

Madam Sophia |October 19,2014
facebook
share this

Horoscope, October 19, 2014

Madam Sophia - October 19, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap talagang kitain ang pera, kaya sa araw na ito matapos mag-simba, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang buong pamilya. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 28, 43. Mahiwaga mong mantra:  “Hare-Krisna-Krisna-Om.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Kahit ano ang mangyari ugaliing magpasalamat. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang natatanggap. Mamayang gabi sabihin sa kasuyo:  “Love, Salamat,” sabay halik sa kanyang mga labi. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Wag umasa sa iba. Mas marami kang kikitain kung mabubuhay sa sarili mong pagsisikap. Sa pag-ibig, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng taste yan, wala kayong paki-alam!” Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) –     Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, mas magiging okey ang relasyon kung pansamantalang lalayo muna sa kasuyong matampuhin. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at gray ang bueanas.

 Cancer – (June 22- July 22) – Panindigan ang anomang sinabi! Hindi dapat magpabago-bago ng isip upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hinihintay ng kasuyo ang matagal mo ng pangako  – mag-date daw kayong dalawa. Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) –  Kung hindi ka aalis ng bahay, darating ang mga maniningil. Wag ka na kasing mangutang kung wala ka namang pambayad. Sa pag-ibig, kung sadyang  kinakapos, sa isang Aries ka manghiram ng pera. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Gold at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Kahit nagkapatong-patong ang mga gawain, kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Bilis ang susi upang magtagumpay. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Ngayong nalalapit ang kapaskuhan, sundin ang mungkahi ng kasuyo! Hindi ka dapat na maging magastos. Isa lang ang susi upang yumaman, maging masinop  at matipid. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Habang pabago-bago ang panahon may babala ng karamdaman. Sa pag-ibig, romansa espesyal mamayang gabi ang magpapalakas ng immune system, ngunit hinay-hinay lang, baka mabinat ka. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Wag asahang babalik pa ang nakaraan. Ituon ang isipan sa hinaharap. Sa pag-ibig, makuntento sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa Halloween festivalat sa nalalapit na undas. Mapalad ang 4, 9, 18, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Violet at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Kahit anong bigat ng mga problema  wag mabugnot. Kumalmante ka lang. Kapag lagi kang masaya, mas madaming darating na pera. Sa pag-ibig, kapag lagi kang relaks mas masrap ang romansa.  Mapalad ang 7, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Magiging matagumpay ang larangan ng pananalapi ngunit sa pag-ibig at romansa, bokya parin! Ang pinakamabuting gawin ay  magdasal na sana’y hulugan ka ng langit ng isang tapat at mabuting ka-relasyon. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Pisces – (February 19 – March 20) – Kahit anong bigat ang mga suliraning dumarating hindi dapat sarilinin ang mga problema. Kailangan ibahagi mo ito sa iba upang tuluyang gumaang ang iyong pakiramdam. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Shared joy is a double joy; shared sorrow is half a sorrow.” White at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending