Horoscope, October 18, 2014 | Bandera

Horoscope, October 18, 2014

Madam Sophia |October 18,2014
facebook
share this

Horoscope, October 18, 2014

Madam Sophia - October 18, 2014 - 02:19 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag intindihin ang iniisip ng iba, ang mas mahalaga maipatupad mo ang sarili mong kagustuhan. Sa malayang pagpapasya ay yayaman ka. Sa pag-ibig, kung ikaw lang ang masusunod ay noon ka pa sana naging maligaya. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Bukod sa pink at red ang buenas

Aries – (Marso 21-April 19)—Mali ang ginawa mong pagtanggi, paano kung dumating ang panahong ikaw naman ang mangailangan at pagkatapos ikaw naman ang tanggihan? Sa anumang ginagawa ay panatiliing bukas ang palad upang lalo kang pagpalain ni Lord. Mapalad ang 3, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Lilac at gray ang buenas

Taurus – (April 20-May 20)—Bago simulan ang anumang trabahong pinagkakakitaan ay humigop muna ng mainit na sabaw. Sa ganyang paraan ay mas magiging aktibo ang iyong pakiramdam. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop upang kapwa mag-init ang inyong katawan.  Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Ngayong malapit na ang Pasko ay wag umasa sa mga kamag-anak. Magsikap kang mag-isa mo upang makaipon ng maraming pera at pangregalo. Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo na magtipid upang mas madali kayong  yumaman. Mapalad ang 5, 9, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam.” Pink at gray  ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Kaya hindi ka yumayaman ay kulang ka sa lakas ng loob! Kapag malakas na ang iyong loob, makikita mo magsisimula ka ng yumaman. Sa pag-ibig, himukin ang kasuyong Capricorn na magpayaman din. Mapalad ang 5, 14, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Green at maroon ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ngayong panahong malapit na ang kapaskuhan, magkakapera ka ng malaking halaga basta’t lagi ka lang dumikit sa isang Virgo. Sa pag-ibig, bukod sa Virgo ay ka-compatible mo rin ang isang Aries at Sagittarius. Mapalad ang 1, 13, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya- Minna-Galla-Om.” Yellow at peach ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Tanungin ang sarili: “Ano ba ang higit na mahalaga, ang lipunan o ang pamilya?” Pamilya ang dapat na mauna upang habambuhay kang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 29, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Silver at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Tuluy-tuloy ang pasok ng salapi, habang abala ang lahat sa nalalapit na Araw ng mga Patay.  Sa pag-ibig, na sa iyo ang pagkukulang kaya hindi masarap ang romansa – galingan mo naman! Mapalad ang 6, 15, 27, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi ka na nadala, bakit nakikipagtransaksyon ka na naman sa mga walang kuwentang tao? Umiwas sa mga masasama. Sa pag-ibig, upang hindi mapahamak ay huwag nang pumatol pa sa iba, pagtiyagaan ang kasuyong walang kuwenta. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Ujalam-Avayara-Om.” Green at silver ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, kailangang mapaligaya mo ang iyong sarili kahit na malayo ang minamahal. Sa pinansyal, kailangang makaisip ka ng sariling pagkakaperahan upang hindi ka na laging nangungutang. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sharin-Shara-Om.” Yellow at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kahit inaapi ka, walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Makikita mo, kapag mayamang-mayaman ka na ay hindi ka na nila kayang apihin. Sa panahong mayaman ka na, iwasan mo namang mang-api ng kapwa. Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pagdarasal ay muling uunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ang maligayang pakikipagrelasyon ay ipagkakaloob din sa iyo sa pamamagitan ng walang-sawang pagsisiyam sa simbahan ng Quiapo, Baclaran o kahit saang bahay dalanginan. Mapalad ang 4, 13, 33, 40, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ask and it will be given to youl; seek and you will find.” Orange at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kung hindi matututong magpakatuso ay paano ka tatabo ng malaking halaga? Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo na mag-open kayo ng joint account sa isang kooperatiba o kaya’y sa isang trust fund upang mas madaling mapalago ang naipong pera. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” White at maroon ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending