PSL CHAMPION LALABAN SA ASIA | Bandera

PSL CHAMPION LALABAN SA ASIA

Mike Lee - October 17, 2014 - 12:00 PM

OREIGN BEAUTIES NG VOLLEYBALL. Ipinakilala kahapon sa media ang mga dayuhang manlalaro mula USA, Brazil, Russia at Japan na sasabak sa Philippine Superliga Grand Prix na magbubukas sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum. REY NILLAMA

OREIGN BEAUTIES NG VOLLEYBALL. Ipinakilala kahapon sa media ang mga dayuhang manlalaro mula USA, Brazil, Russia at Japan na sasabak sa Philippine Superliga Grand Prix na magbubukas sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum. REY NILLAMA

PASASARAPIN ang labanan sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na handog ng Asics sa pagbibigay karapatan sa mananalong koponan sa kalalakihan at kababaihan na kakatawanin ang Pilipinas sa kompetisyon sa Asya.

Sa paglulunsad ng 2014 season ng PSL kahapon sa Smart Araneta Coliseum ay sinabi ni Sports Core president Ramon “Tats” Suzara na ang mangungunang koponan sa PSL Grand Prix ay siyang ipadadala sa Asian Club Championships sa susunod na taon.

“The champion teams will represent the country in the Asian Club Championships next year. The team will have the priority on whether to field an all-star team carrying their name because in the Club Championships it is the name of the club and not the country that they will carry,” wika ni Suzara.

Sa Abril gagawin ang Asian Club Championship at ang women’s event ay sa China lalaruin habang sa Kazakhstan naman ang men’s tournament.

Balikatan ang bakbakan sa kababaihan dahil sinahugan ang anim na koponan ng tigalawang imports na hindi lamang mahuhusay maglaro kundi magaganda pa na pihadong kagigiliwan ng mga Pinoy  fans.

Ipinagmalaki naman ni Sports Core chairman Philip Ella Juico na unti-unti nang iniaakyat ng PSL ang antas nito sa pandaig-digang labanan.
“We are not here just to get busy but to promote volleyball as a global sport,” wika ni Juico.

Ipinakilala rin sa pagpupulong ang mga dayuhang manlalaro at ang mga ito ay sina Lindsay Stalizer at Sarah Ammerman ng Cignal, Bonita Wise at Emily Brown ng RC Cola, Alaina Bergsma at Erica Adachi ng Petron, Myru Shinohara at Natalia Korobkova ng Generika, Kristy Jaeckel at Kayla Manns ng Mane ‘n Tail at Elena Tarasova at Irina Tarasova ng Foton.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending