KC nasa ospital pa rin, delikado sa ending ng Ikaw Lamang | Bandera

KC nasa ospital pa rin, delikado sa ending ng Ikaw Lamang

Ervin Santiago |October 17,2014
facebook
share this

KC nasa ospital pa rin, delikado sa ending ng Ikaw Lamang

Ervin Santiago - October 17, 2014 - 03:00 AM

KC CONCEPCION

KC CONCEPCION

Nananatiling naka-confine sa ospital ang isa sa mga bida ng Primetime Bida series na Ikaw Lamang na si KC Concepcion dahil sa dengue, kaya naman marami ang nagtatanong kung makakaapekto ba ito sa magiging ending ng serye next week.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ng aktres na hindi na siya makapaghintay sa paglabas sa ospital at excited na siya sa pagbabalik sa taping ng Ikaw Lamang ngayong araw.

“Waiting for my latest platelet count…Araw araw nalang ako kinukuhanan ng dugo!!! Hay…Magkaka separation anxiety na ako sa mga MedTech na nag injection sa akin…sa sobrang close na namin… Hehe! Sana mag at least 150,000 na sya para ma-discharge na nila ako & makapag taping na ako tomorrow… Yes yes miss ko na mag work & FINALE na namin noh!!!” ang IG post ni KC kahapon.

Excited na ang lahat kung ano ang magiging ending ng Ikaw Lamang at kung anu-ano ang mangyayari sa mga pangunahing karakter ng serye, lalo na kina Gabriel (Coco Martin), Andrea (Kim Chiu) at Natalia (KC).

Noong Miyerkules naman ay sinorpresa ng kanyang amang si Gabby Concepcion si KC nang dumalaw ito sa ospital. Nag-post pa nga ito ng picture nila ng aktres sa kanyang IG account na may caption na: “My carbon copy little baby girl is sick 🙁 but I am glad that she is recovering 🙂 from H fever – Hemorrhagic Fever (dengue). Everyone, thankyou for your prayers and use Citronella oil or any mosquito repellant. Prevention is better than cure. I love you baby!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending