Vice Ganda magaling na, balik-it’s Showtime | Bandera

Vice Ganda magaling na, balik-it’s Showtime

Ervin Santiago |October 17,2014
facebook
share this

Vice Ganda magaling na, balik-it’s Showtime

Ervin Santiago - October 17, 2014 - 03:00 AM

VICE GANDA

VICE GANDA

MATAPOS ang tatlong buwang paghahanap ng mga gwapong lalaking may trabaho at nagsusumikap sa buhay, muling nagpapakitang gilas ang 58 na semi-finalists ng “Gandang Lalake” beauty pageant ng It’s Showtime para makapasok sa grand finals ngayong Sabado.

Napatunayan na nilang karapat-dapat silang tularan, kaya naman kasalukuyang sinasala ang 58 finalists simula noong nakaraang linggo pagdating naman sa lakas ng dating at pagalingan ng pagsagot sa question-and-answer portion. Mula sa mga agaw-eksenang “trabahandle” na nakikita sa segment, ang mga semi-finalist na ngayon ang may hawak ng salita o gropo ng mga salita na siyang magsisilbing sagot nila at ipapaliwanag sa loob ng 30 segundo.

Saklaw ang iba’t ibang propesyon sa semi-finals ng “Gandang Lalake,” kung saan kasama ang isang financial advisor, minero, tricycle driver,marketing agent, engineer, flight attendant, waiter, konduktor, service crew, barber, call center agent, at DJ.

Sa grand finals bukas, tanging ang top 15 finalists na lang ang magkakaroon ng pagkakataong ipamalas ang kanilang talento at porma sa pamamagitan ng formal wear competition. Tampok din dito ang pagbabalik ng host na si Vice Ganda bilang hurado matapos nga siyang magkasakit at ma-confine sa ospital dahil sa trangkaso.

Sino kaya sa kanila ang tatanghaling “Gandang Lalake” grand winner at magwawagi ng P300,000? Huwag palampasin ang pasabog na episode na ito ng It’s Showtime tomorrow afternoon sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending