Marian magbibigay ng libreng operasyon sa mga batang bingot
HABANG hindi pa kasal, little Miss helpful muna si Marian Rivera.
Ilang linggo matapos isagawa ang record-breaking mall show – na kami ang unang nag-report – ng Primetime Queen na si Marian sa Clark, Pampanga kung saan tinatayang 8,000 katao ang dumalo, dinala naman siya ng GMA sa Tacloban City, Leyte yesterday para sa isa na namang Kapuso Fans’ Day.
Sa ika-12 na regional event ni Marian ngayong taon, pinasaya ng aktres ang Taclobanon crowd sa Robinson’s Place Tacloban. Nakasama niya bilang event host ang komedyanteng si Boobay.
Bukod sa pagkanta at pagsayaw, masaya ring ibinahagi ng aktres sa kanyang mga tagahanga ang pinakabago niyang advocacy na Yan Ang Smile kasunod ng katatapos lamang na Kapuso Adopt-a-Bangka Campaign.
Sa pakikipagtulungan sa international children’s charity group na Smile Train, layunin ng Yan Ang Smile na tulungang ibalik ang ngiti ng mga taong may cleft lip o cleft palate sa pamamagitan ng libreng operasyon.
Say ni Marian, “Nakilala kasi ako bilang masiyahin, bungisngis, at palangiting tao. Kaya ko rin naisipang gumawa ng advocacy na gaya nito dahil gusto kong maranasan ng iba ‘yung pakiramdam na nakakangiti at nakakatawa nang walang pinoproblema.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.