Dating Misis ni Derek ‘NAPRANING’ kaya gumawa na naman ng eksena sa korte | Bandera

Dating Misis ni Derek ‘NAPRANING’ kaya gumawa na naman ng eksena sa korte

Cristy Fermin - October 15, 2014 - 03:00 AM

derek ramsay
Gumawa na naman ng eksena ang tropa ni Mary Christine Jolly nu’ng Lunes sa dapat sana’y muli nilang paghaharap sa piskalya ng Makati ni Derek Ramsay.

Winidrow ng babae ang asuntong R.A. 9262 na isinampa niya laban sa hunk actor, sa DOJ na lang daw nila ‘yun ihahain, dahil nakatanggap sila ng mga impormasyon na walang mangyayari sa nasabing asunto sa piskalya ng Makati.

Maraming naloka sa naging aksiyon ni Mary Christine Jolly, talagang ipinaramdam niya na may tinititigan at tinitingnan lang ang piskalya, kaya ililipat na niya sa DOJ ang kanyang reklamo.

Kahit hindi niya diretsong sinasabi ay parang gustong tukuyin ng ina ng anak ni Derek na may “mga kamay” na gumagalaw para hindi magtagumpay ang kasong ihinain niya sa piskalya ng Makati.

Puro sapantaha lang ang sinasabi ng babae, basta raw, hahanap na lang sila ng lugar kung saan siya mabibigyan ng hustisya.
Tuloy ay hindi natin masisisi ang mga kababayan natin na nagkokomento na parang ginagawang laro lang ni Mary Christine Jolly ang isang napakaseryosong usapin.

Parang nagiging moro-moro na tuloy ang istoryang ito, nakakaloka nang sundan, dahil baka bukas ay iba na naman ang kauwian ng kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending