KC na-confine sa ospital, di pinatawad ng Dengue | Bandera

KC na-confine sa ospital, di pinatawad ng Dengue

Reggee Bonoan - October 14, 2014 - 03:00 AM

kc concepcion
Hanga ang production staff ng teleseryeng Ikaw Lamang sa propesyalismo ni KC Concepcion dahil maski na masama na pala ang pakiramdam niya ay pinilit pa rin nitong tapusin ang mga natitirang eksena niya.

Kaya naman nu’ng Sabado ay nagpa-check up na siya sa ospital at hayun – nakitang positibo siya ng dengue. Linggo ng gabi ay nag-post na si KC sa kanyang Instagram account ng, “Hi guys, nag positive ako for Dengue kahapon (Sabado).

Kaya pala ako nagkaka-high fever na on/off these past 2 days. I’m confined sa hospital Pero I know I’ll be ok!!!” Thank you for your prayers.”

Nakita rin namin sa mga litratong ipinost ni KC ang pagdalaw sa kanya sa ospital ng ilang kasamahan niya sa Ikaw Lamang, kabilang na si Amy Austria na gumaganap na nanay niya sa serye at si Alora Sasam na yaya naman niya sa Ikaw Lamang.
“Naaaayyy @amyaventura, thank you po sa pag dalaw, love you po

And sa mahal kong ‘Cindy’ @unitednationsofalora thank u din super!!!” sabi pa ni KC. Bakit kaya walang picture si Paulo Avelino sa ospital na special friend ngayon ni KC? Hindi pa ba siya dumadalaw sa aktres o baka naman hindi lang nagpakuha ng picture?

Samantala, kanya-kanyang hula na ang avid viewers ng Ikaw Lamang sa mga mangyayari sa ending. “Mamamatay si Amy Austria kasi hindi papayag si Christopher (de Leon) na magkatuluyan sila ni Joel Torre.

Or, si Joel ang mamamatay.” “Parehong patay sina Samuel (Joel) at Franco (Christopher).” “Patay si KC (Natalia) kasi ililigtas niya nanay niya (Amy/Isabel) dahil babarilin ng tatay (Franco) niya at ni Mylene (Dizon).”

“Magkakatuluyan sina Gabriel (Coco Martin) at Jacq (Kim Chiu).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending