Charice: Kung pogi kaya ako maiiba ang trato n'yo sa akin?! Bandera

Charice: Kung pogi kaya ako maiiba ang trato n’yo sa akin?!

Ervin Santiago |October 13,2014
share this

Charice: Kung pogi kaya ako maiiba ang trato n’yo sa akin?!

Ervin Santiago - October 13, 2014 - 03:00 AM

charice pempengco
Niresbakan ni Charice ang lahat ng mga namba-bash sa kanya sa social media. Nag-ugat ang panlilibak ng ilang netizens sa international singer nang magsalita siya tungkol sa mga Pinoy na hindi pa rin matanggap ang pagiging tomboy niya.

Masama ang loob ni Charice dahil feeling niya, hindi  naa-appreciate ng kanyang mga kababayan ang kanyang achievements sa music imdustry.

Bakit daw parang lagi na lang siyang dina-down ng ilang mga Pinoy mula nang ibandera niya ang tunay niyang pagkatao.
“I’m just being truthful. Ever since I started, it has been like that.

In this show business, talagang mas vocal ang haters kaysa sa supporters. And I just want to thank all the supporters na kahit hindi sila vocal about their support for us artists,” sey ng singer.

Kamakailan, naglabas si Charice ng kanyang emosyon sa Twitter tungkol sa walang-tigil na pambu-bully sa kanya ng netizens. Kaya nga ang tanong niya sa madlang pipol, “Kung kamukha kaya ako ng isa sa pinakaguwapong artista ngayon, tapos same achievements, iba kaya ang trato?”

Samantala, muling nagpasalamat si Charice sa kanyang pamilya sa muling pagtanggap sa kanya at sa girlfriend niyang si Alyssa Quijano, “As long as my family tells me that they are proud of me and they think I’m doing the right thing, okay na ako doon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending