ITO ngayon ang bansag sa talamak na jueteng sa Caloocan, lalo na sa first district, lalo na sa Camarin at Bagong Silang, ang dalawang pinakamalaking barangay sa buong bansa. Ang jueteng dito ay bawat purok na.
Bawat purok ay may kabo at bawat kabo ay may pulutong na kubrador.
Mabuting mayor si Oscar Malapitan. Tuwiran siyang maglingkod sa tao at sumusunod sa kanyang misyon na tao ang una. Hanggang ngayon ay wala pang tuwirang maiuugnay kay Malapitan hinggil sa talamak na jueteng sa Caloocan North ang kanyang mga kaaway sa politika. Generic ang kanyang apelyido kaya ginamit ang salitang malapitan para ilarawan ang galaw ng mga kubrador.
Ayon sa dalawang “PO Box” na taga-Intel at CIDG, wala silang ginawang operasyon sa kanilang pagkakaalala kontra jueteng nitong mga huling buwan. Nakupu! Kung dedma ang pulis at pi-nababayaan na lang ng alkalde ang talamak na operasyon ng jueteng, ang ibig sabihin ay bu-mabaha ang ilegal na pera. At may patutu-nguhan ang ganitong uri ng baha.
Ang pinagkakaabalahan nga pala ng mga pulis sa Caloocan ay ang checkpoint. Checkpoint dito, checkpoint doon. Pero, hindi checkpoint ang tawag dito ng mga riders, ang tanging pinapara ng mga pulis. Ang tawag ng mga riders ay cashpoint. Cash lang ang panapat kapag nasita, tulad ng wala ang isang side mirror, walang brake light, walang headlight, atbp.
Kapag walang helmet ay mas malaking cash ito. Sa halos 24 oras na checkpoint sa boundary ng Caloocan at Quezon City, tinanong ko si PO1 Gado kung may nahuhuli rin silang kapwa pulis sa checkpoint.
Meron din naman daw at sinisita lang nila. Mahirap paniwalaan ito.
Isa sa dahilan kung bakit nasadlak sa kontrobersya, at kinuyog, si PNP chief Director General Alan Purisima ay wala itong PR o pa-kisama. Hindi siya nakikisalamuha sa media, di tulad nina Leopoldo Bataoil at Avelino Razon Jr. Kapag nakasusunog na sa init ang mga tanong sa pulong balitaan ay tumatayo na lang ito at umaalis. Pinagbiyak na bunga nga sila ng amo niyang nais pang magbabad sa puwesto. Naniniwala ang mga opisyal ng pulisya na hindi sasabit si Purisima. Nakasandal siya sa pinakamatigas na pader. Ito ang hindi magandang huwaran na nakikita ng mga PO Box. May isip din naman ang mga PO Box at alam din naman nila ang tama’t mali.
MULA sa bayan (0906-5709843): Sa tuwing mababasa na-ming sa dyaryo ang sira sa MRT, ang dalangin naming ay masunog na lang ito. Kaming mga taxpayer dito sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ay kinukunan din para sa MRT, na hindi naman naming ginagamit. …6773
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.