Buking: Ogie, Nate nakita sa bakuran ng ABS | Bandera

Buking: Ogie, Nate nakita sa bakuran ng ABS

Julie Bonifacio - October 08, 2014 - 03:00 AM

ogie alcasid
FOR the first time after almost 19 years, muling nag-guest ang singer/songwriter na si Ogie Alcasid sa ASAP ng ABS-CBN last Sunday. Nag-guest si Ogie sa taped episode ng ASAP para sa OPM segment ng isa sa mga host ng show na si Gary Valenciano.

Sa Nov. 2 pa mapapanood ang guesting ni Ogie sa said Sunday musical show. Actually, nagulat kami nu’ng mapansin namin na nakasulat ang pangalan ni Ogie sa labas ng dressing room ni Gary sa ASAP.

Then, later nakita na namin ang road manager-friend ni Ogie na si Rey Lañada. It’s Patty na friend din ni Ogie at staff ng ASAP ang “nagtulay” sa pagtapak muli ni Ogie sa ABS-CBN.

Ayon kay Rey, nagpaalam naman daw si Ogie sa kasalukuyang home network niya na TV5. Nagkataon na wala namang katapat na programa sa ASAP na ginagawa si Ogie for TV5 kaya pinayagan agad ang mister ni Regine Velasquez.

Speaking of Regine, years ago nu’ng muntik nang lumipat sa ABS-CBN at maging isa sa regular hosts ng ASAP. And yet, naiwan na siya ni Ogie sa GMA 7 at naunahan pa’ng mag-guest sa ASAP. Isn’t ironic, Alanis Morissette? Ha-hahahaha!

Anyway, kasama ni Ogie ang anak nila ni Regine na si Nate sa ASAP. Samantalang nasa GMA naman that time si Regine para sa Sunday All Stars.

Syempre pa, pinagkaguluhan din si Nate ng fans ni Ogie. At habang lumalaki ang bagets, nagiging evident na mas kamukha siya ni Ogie kesa kay Regine.

Now, ‘di na rin nakakapagtaka kung sa susunod na mga taon ay bumalik sa ABS-CBN si Ogie. Ang buhay talaga, parang mundo, paikut-ikot lang, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending