Vice may pahaging sa isyu nina Anthony Jennings-Maris Racal?

Vice may pahaging sa isyu nina Anthony Jennings-Maris Racal?

Therese Arceo - December 04, 2024 - 08:26 PM

Vice may pahaging sa isyu nina Anthony Jennings-Maris Racal?

MAGING ang Unkabogable Star na si Vice Ganda ay tila updated sa mga showbiz chika na may kaugnayan sa trending issue ngayon sa pagitan nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Sa episode ng “It’s Sowtime” ngayong araw, December 4, bago ang simula ng kanilang segment na “And the Breadwinner is…” ay binati muna nila ang madlang pipol.

“Madlang pipol! So ano na nga? Ano nang plano n’yo sa sa darating na Pasko? Magplano na kayo para sa Pasko. Hindi ‘yung basa kayo ng basa ng mga ganap sa Twitter! Oh my God!” tanong ni Vice sa audience.

Baka Bet Mo: ‘Panloloko’ nina Anthony Jennings, Maris Racal bistado, Jam naglabas ng resibo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa ni Vice, “Magplano kayo sa Pasko, hindi yung hindi kayo tumatayo, laging abang na abang, mga puyat na puyat. Kilos-kilos tayo o.”

Sinagot naman siya ni Kim Chiu at tinanong kung ano ang meron sa Twitter.

Hindi naman direktang binanggit ni Vice ang isyu nina Maris at Anthony na kilala sa tambalang “SnoRene” bagkus ang isyu ngayon sa South Korea ang kanyang pinatungkulan.

Matatandaang bago ang mga pasabog na screenshots na inilabas ni Jam ay inanunsyo ng South Korean President na si Yoon Suk Yeol ang emergency martial law sa kanilang bansa.

“Hindi siyempre inabangan natin yung mga nangyayari sa, dahil siyempre ang anak ko ay si Ryan Bang,” sagot ni Vice.

“Mas aligaga ako sa kanya ha? […] We’re very happy that Ryan’s mom and dad are both safe,” pagpapatuloy niya.

Anyway, magkasama sa 2024 Metro Manila Film Festival entry na “And The Breadwinner Is…” na ipapalabas sa araw ng Kapaskuhan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending