JRU HEAVY BOMBERS TARGET ANG FINAL FOUR PLAYOFF | Bandera

JRU HEAVY BOMBERS TARGET ANG FINAL FOUR PLAYOFF

Mike Lee - October 06, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. Mapua vs St. Benilde
4 p.m. Jose Rizal vs San Sebastian
Team Standings: zArellano (13-4); zSan Beda (13-5); yPerpetual Help (12-6); Jose Rizal (11-6); St. Benilde (10-6); Letran (8-9); Lyceum (6-11); San Sebastian (5-12); Mapua (4-13); EAC (4-14)
z – Final Four twice-to-beat
y – playoff Final Four

UUPUAN ng host Jose Rizal University Heavy Bombers ang playoff sa Final Four habang lalapit sa isang laro para makuha ang nasabing puwesto ang College of St. Benilde Blazers sa pagpapasok ng huling dalawang laro ngayon ng 90th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Katuos ng Heavy Bombers at San Sebastian College Golden Stags sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon. Unang magkikita sa ganap na alas-2 ng hapon ang Blazers at Mapua Cardinals.

May 11-6 baraha ang JRU at ang makukuhang panalo ay sapat na para tularan ang University of Perpetual Help Altas na nakakuha na ng playoff sa Final Four sa 12-6 karta.

Dapat na magpursigi ang tropa ni JRU coach Vergel Meneses dahil tinalo na sila ng Stags sa unang pagkikita, 81-88.
Motibasyon para sa bataan ni San Sebastian coach Topex Robinson ang makadalawa sa Heavy Bombers para magkaroon ng magandang alaala ang di magandang ipinakita sa taong ito.

Sa kabilang banda, palalakarin ng Blazers ang kasalukuyang 10-6 baraha para tumibay pa ang paghahabol ng makaalpas sa elimination round.

Talunan ang Blazers sa huling laro sa Altas, 62-65, at  hindi rin nila puwedeng biruin ang Cardinals na magkakaroon ngayon ng pitong manlalaro para wakasan ang magkasunod na forfeiture losses sa Letran at JRU.

Kung manalo ang bataan ni St. Benilde coach Gabby Velasco, kailangan pa nilang magwagi sa Letran sa pagtatapos ng elimination round sa Miyerkules upang manatiling buhay ang paghahabol ng upuan sa semifinals.

Samantala, muling ipinamalas ni University of Perpetual swingman Earl Scott Thompson ang kanyang all-around game sa loob ng hardcourt para hirangin ng NCAA Press Corps bilang Accel Quantum-3XVI Player of the Week.

Dinaig ni Thompson ang mga kakamping sina Harold Arboleda at Juneric Baloria, si Arellano Chiefs forward Dioncee Holts at Letran Knights forward Ford Ruaya para sa lingguhang parangal na suportado ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Dishwashing.

Ipinakita ni Thompson ang kanyang pagiging kumpetitibo at abilidad na ihatid ang kanyang koponan sa panalo matapos na pamunuan ang Altas sa dalawang mahalagang pagwawagi laban sa St. Benilde at San Sebastian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Laban sa Blazers, si Thompson, ang tinaguriang “The Pearl” at frontrunner sa NCAA Most Valuable Player award, ay nagtala ng 20 puntos, 12 rebounds at walong assists.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending