1 rape case na lang ang kailangang ipanalo ni Vhong | Bandera

1 rape case na lang ang kailangang ipanalo ni Vhong

Cristy Fermin - October 06, 2014 - 03:00 AM

vhong navarro
Unti-unti nang gumagaan ang dating napakabigat na bagaheng dinadala ni Vhong Navarro. Paisa-isa nang nababawasan ang kanyang mga problema, gumagaan-gaan na, isang araw ay magkakaroon na rin ng katahimikan ng kalooban ang aktor-dancer-TV host.

Ang pinakahuling nabawas sa kanyang intindihin ay ang kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Roxanne Cabanero, ibinasura na ‘yun ng Department of Justice (DOJ), napakalaking ginhawa nu’n para sa kanya.? Sa resolusyong pinalabas ng DOJ ay kinuwestiyon ang kredibilidad ng nagdedemanda, paanong nangyari na nu’ng taong 2010 pa pala naganap ang sinasabi ni Cabanero na panghahalay sa kanya ng aktor, pero bakit naghintay pa ito nang apat na mahahabang taon bago nito kinasuhan ng rape si Vhong?

Napatunayan din ng kampo ng aktor na imposibleng mangyari ang isinisigaw na rape ng babae, dahil sa gabing sinasabi nito ay malinaw na nasa isang show sa Cavite ang actor-dancer, dalawa ang kanyang katawan?

Magkaiba ang sitwasyon, pero magkapareho ang lasa ng asuntong ibinibintang nina Cabanero at Deniece Cornejo laban kay Vhong, may isa pang stuntwoman na nagsampa rin ng reklamong rape na dinidinig pa ngayon sa piskalya.

Ganu’n na lang ang pasalamat ng mga tagasuporta ni Vhong Navarro sa pagkakabasura ng rape case ni Cabanero laban sa kanilang idolo. Isang araw ay matatahimik na rin daw ang mundo ng kanilang mahal na si Vhong Navarro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending