Caluag nakatanggap ng P1.6 milyong insentibo | Bandera

Caluag nakatanggap ng P1.6 milyong insentibo

Mike Lee - October 04, 2014 - 03:00 AM

caluag
HINDI lamang ang nakasaad sa Incentives Act ang pabaon kay Daniel Caluag na siyang nakakuha ng una at posibleng kahuli-hulihang ginto sa pambansang delegasyon sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

Nagkampeon ang 27-anyos London Olympian na si Caluag sa paboritong BMX cycling para tiyaking hindi mabobokya ang 150 national athletes.

Kahapon ay nakuha ni Caluag ang P1 milyong insentibo ng pamahalaan sa seremonyang ginawa sa PSC Athletes Dining Hall.
Sina PSC commissioner Salvador Andrada at Jolly Gomez ang siyang nag-abot ng tseke na isa sa tatlong gantimpala na napasakamay ni Caluag.

Si PhilCycling president at Tagaytay City Representative Abraham Tolentino ang naghayag ng pangakong P500,000 gantimpala mula sa MVP Sports Foundation na kung saan ang cycling ay isa sa kanilang sinusuportahan.

Maging ang LBC Sports Foundation na kinatawan ni team manager Mo Chulani ay nagpaabot ng P100,000 insentibo para mabuo ang P1.6 milyong halaga.

Nagpasalamat si Caluag, na sinamahan din ng kanyang coach na si Greg Romero, kapatid na si Christopher at LBC coach Chris Allison, sa nakuhang gantimpala at ipinagmalaki pa ang kasiyahang nararamdaman dahil sa tagumpay na ipinagkaloob niya sa Pilipinas.

Umaasa rin siya na ang nakuhang tagumpay ay makakatulong para mapalakas ang BMX sa bansa hindi lamang para makatuklas ng mga panlaban kundi para magamit ang sport para mapalakas ang samahan ng isang pamilya.

“Kids of all ages can ride even the adults. One thing I like to see is father and son, children do it for exercise,” wika ni Caluag.
Matapos ang aktibidades ay tumulak si Caluag at mga kasamahan patungong Malacañang para makaharap ang Pangulong Benigno Aquino III.

Hindi inakala na makukuha ni Caluag ang ginto dahil wala siyang sinalihan na mga UCI sanctioned races. Bukod ito sa pagiging abala niya bilang isang oncology nurse (cancer patient nurse) at pagsilang ng asawang si Stephanie ng kanilang unang anak na si Sydney Isabella dalawang linggo bago siya tumulak patungong Incheon.

Tumulak pabalik ng Estados Unidos sina Caluag kagabi para makapiling ang mag-ina na isa sa kanyang naging inspirasyon sa kompetisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending