KUNG bibigyan ng chance si Jake Vargas na makagawa ng isang proyekto na hindi si Bea Binene ang leading lady, type niya raw makatambal ang Kapuso Primetime Princess na si Kris Bernal.
Sey ni Jake na napapanood gabi-gabi sa GMA TeleBabad series na Strawberry Lane, humahanga siyavsa galing ni Kris bilang aktres, natural na natural daw kasi itong umarte, “Ang lagi ko pong sinasabi ‘pag iniinterbyu ako, si Kris Bernal.
“Kasi si Kris, nakasama ko na siya noon sa (seryeng) Dapat Ka Bang Mahalin, kapatid ko siya doon. Humahanga ako sa kanya kasi magaling umarte… ‘tapos maganda, cute. One time nga, nag-Maynila kami, siya yung ka-partner ko, okay naman,” ani Jake.
Bukod kay Kris, wala na raw siyang maisip na ibang female star na gusto niyang makatambal. Mukhang imposible rin daw kasi na makapareha niya ang ilang kakilala niya sa ABS-CBN tulad nina Kathryn Bernardo, Kim Chiu at Julia Barretto, “Wala, e, hindi ko ano…” biting sabi niya.
Maligaya naman daw si Jake sa takbo ng career niya ngayon, “Happy naman po, ‘tsaka kuntento naman ako sa mga nangyayari na kahit papaano meron namang blessings na dumarating. Katulad niyan, may show na naman, so ano, masaya dahil nae-enjoy ko naman yung pagiging artista.”
Tungkol naman sa isyung gusto na niyang umalis sa poder ng talent manager niyang si Kuya Germs, hindi raw ito totoo, “Iyon nga, nagulat din ako. Parang last year din, nabalita na ‘yan. Hindi, hindi ko naisip yan.
“Kasi si Tatay, sobrang laki ng itinulong niya sa akin since nag-start ako sa showbiz. Siya ang nag-buildup sa akin para tumaas yung career ko. Utang na loob ko yun kay Tatay,” depensa ni Jake.
Samantala, tuwang-tuwa ang buong cast ng Strawberry Lane dahil sa taas ng rating ng kanilang serye. Simula ng umere ito ay patuloy na dumarami ang tumututok sa programa nina Jake, Bea Binene, Joyce Ching, Jeric Gonzales, Kiko Estrada, Kim Rodriguez, kasama sina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, TJ Trinidad, Christian Bautista, Chanda Romero at marami pang iba.
Napapanood ang Strawberry Lane mula Lunes hanggang Biyernes after 24 Oras sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.