24 oras nilait ng Netizens dahil sa kasalang Marian-Dingdong | Bandera

24 oras nilait ng Netizens dahil sa kasalang Marian-Dingdong

Alex Brosas - September 29, 2014 - 03:00 AM

marian rivera
LAUGH kami nang laugh when a certain Gerard Gil commented na tila nakatuon palagi kay Marian Rivera ang publicity porke’t ikakasal na ito.

“Pati banaman hndi pag kakasama ni roxane barcelo sa bridal shower ni marian.. ibabalita pa sa 24 oras??? araw araw ba kaylangan nasa balita ung kasal ni dngdong at marian? hangang dec 30? utang na loob kasawa kaya,” say niya.

“Gabi gabi nalang ba ibabalta ung about sa kasal ni ding dong at marian sa 24 oras? kakasawa kaya,” dagdag pa niya. Oo nga naman. Masyadong bini-beef up ang kasal nila, all the preparations ay nakasulat kaagad.

Marami na nga ang nakapupuna na parang wala nang secret sa kasal nila, lahat na yata ng detalye ay willing silang ilabas.
“NAALALA ko dati mas sikat si BARBIE kay KATRYN… mas sikat julielmo keysa sakathniel anyare??? FOCUS lang nila ay si MARIAN la ng iba,” pahabol pa ni Gerard.

This guy makes sense, ha. Parang wala ng ibang artista ang GMA na pwedeng ibalita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending