Makapag-aasawa ba ng foreigner? | Bandera

Makapag-aasawa ba ng foreigner?

Joseph Greenfield - September 29, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jenny  Baroc-baroc, Belison,  Antique  
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay 23 years old at dahil sa kahirapan ng buhay, nangarap po akong makapag-abroad. Hanggang sa may nakilala po akong foreigner na minsan ay nag-tourist dito sa Antique, naging kaibigan ko po siya at di nagtagal naging kami at naibigay ko sa kanya ang aking pagkababae. Makalipas ang ilang buwang pamamalagi nya sa atin umuwi po siya ng Canada. At mula noon sa cell phone at sa chat na lang kami sa internet nagkakausap.
May pangako po siya sa akin na babalikan nya ako dito sa Pilipinas, isasama sa Canada at pagkatapos ay magpapakasal na daw kami. Pero mag-iisang taon na ang lumilipas di pa din siya bumabalik at ang lagi nya sa aking sinasabi ay “busy” pa daw siya sa kanyang business. Ang gusto ko lang malaman ay kung totohanin kaya niya ang kanyang pangako na babalikan nya ako, dadalhin sa Canada, doon kami magpapakasal at doon na daw kami bubuo ng isang maunlad at masayang pamilya. Magkatotoo kaya ang pangako nyang iyon at compatible po ba ang birthday kong February 13, 1991 at birthday niyang October 7, 1981?
Umaasa,
Jenny ng Antique
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May napakalinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaang kapalaran tiyak ang magaganap – magkakatotoo ang pangako sa iyo ng boyfriend mong Canadian citizen, babalikan ka nya sa ating bansa at pagkatapos magpapakasal kayo at sa bandang huli ay sa Canada na maninirahan at bubuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.illus 0929
Cartomancy:
Queen of Clubs, Two of Diamonds at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing humigit kumulang dalawang taon mula ngayon darating ang boyfriend mong taga-Canada sa ating bansa, upang ikaw ay pakasalan, basta ang mahalaga sa ngayon ay wag mong putulin ang anomang kuminikasyon na namamagitan sa inyong dalawa.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending