Bukod kina Coco, Piolo, Diether at Echo
MARAMI kaming nakakausap na nakapanood ng “Unofficially Yours” nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz na nagsabing kahit daw pala maghubad nang walang patumangga itong si Angel ay hindi pa rin siya magiging bastusin.
Sabi nga ng isa naming friendship, “Ang landi-landi ni Angel sa movie, di ba?
Parang talagang ang hilig-hilig niya sa sex, pero hindi pa rin siya bastusin.
Kahit na maghubo’t hubad pa siya, parang wholesome pa rin ang image niya, mukha pa rin siyang angel.”
Chika naman ng isa, “Para siyang si Drew Barrymore, na kahit magpa-sexy, kahit na magbuyangyang ng kanyang katawan, sweet pa rin siya, rerespetuhin mo pa rin.
Hindi tulad ng iba na kapag nakipag-love scene at nakipaglaplapan on screen parang ang baba-baba na ng tingin mo sa kanya!”
At agree na agree kami diyan dahil napanood din namin ang movie nila ni Lloydie.
And because of the success of her latest movie, inaayos na raw ang susunod niyang pelikula sa Star Cinema.
Say nga ni Angel, gusto raw sana niyang magpahinga muna pero sinabihan nga raw siya na may follow-up agad ang “Unofficially Yours”.
Kung siya naman daw ang papipiliin ng bagong leading man, type raw ni Angel na makatambal si Vice Ganda.
Sigurado raw kasing mag-eenjoy siya kapag nakasama niya si Vice sa isang project at tiyak daw na magiging chellenging ito para sa kanilang dalawa dahil first time nga nilang magsasama.
Sa mga Kapamilya leading ladies naman, feel ni Angel na makatrabaho sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Anne Curtis.
By: Ervin Santiago
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.