Jake wasak na wasak na sa pambabastos ng mga Netizen Bandera

Jake wasak na wasak na sa pambabastos ng mga Netizen

Ambet Nabus |September 24,2014
share this

Jake wasak na wasak na sa pambabastos ng mga Netizen

Ambet Nabus - September 24, 2014 - 03:00 AM

jake cuenca
MUKHANG hindi naging graceful ending ang sinasabing “last hurrah” ni Jake Cuenca sa Bench underwear show dahil sa halip na papuri ay mas marami itong tinanggap na panlalait.

Una, mukhang hindi naman daw pinaghandaan ni Jake ang naturang sexy fashion show hindi tulad ng ibang models na talagang nagpagutom at kinarir ang pagpapaganda ng katawan.

Sa ipinakita raw kasing katawan ng aktor ay kitang-kita ang hindi pantay na bilbil nito at medyo malobo niyang tiyan.
Ikalawa, kumpara sa mga flawless at fresh looking skin ng mga rumampang hunks, halata na raw ang pag-edad ng skin ni Jake at kumpara sa mga previous niyang ipinakita, halatang natuyot na raw ito?

At ang ikatlo ay wala namang bago sa kanyang ginawang pagbuyangyang ng kanyang “behind” gaya ng mga nakaraang events kung saan (again) delicious looking pa raw ito at highly desirable unlike this last one na bagsak at halatang nahila lang ng garter ng suot niyang pang-cover sa harap.

Bakit kasi nag-emote pa ng grand exit kung hindi naman pala mapaninindigan? Kaya’t tama lang na magdesisyon siya na mag-aral na lang ng acting abroad para sa kanyang pagbabalik ay mabura na ang sexy image niya at nakakahiyang pagrampa niya sa nasabing underwear show. Arrgghhh!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending