Mga anak ni Ai Ai sunod ang layaw | Bandera

Mga anak ni Ai Ai sunod ang layaw

- March 07, 2012 - 02:33 PM

May kanya-kanyang kotse at sariling pera

LAST Monday ay pumatok sa ere ang Wako Wako ng ABS-CBN, ang bagong sitcom topbilled by Comedy Concert Queen and Box-office Actress Ai Ai delas Alas directed by Wenn Deramas.

Hindi ko man ito napanood pero napakaraming nag-text sa akin at nagkuwentong napakasaya raw ng programa.

Pambata talaga at super exciting.

Kaya kahapon ng lunchtime ay sinubukan kong tawagan si Ai Ai para i-congratulate sa bagong show niya sa Dos kaya lang, she was busy yata that time doing a very important motherly act kaya ang panganay na anak na si Sancho ang sumagot sa amin.

“Tito Jobert, nililinis lang po ni mama ang mga kuko ni Sophie,” ani Sancho sa phone.

I was so touched. I became prouder of our dear kafatid dahil ang cute ng eksena, di ba?

Despite her stature and her busy schedule ay nagagampanan pa rin niya ang kanyang responsibilidad bilang ina sa kanyang mga anak.

Saksi naman ako ever since sa pagiging super buting ina ni Aileen.

Hindi kailanman nagpabaya ang babaeng ito basta kapakanan ng mga anak niya ang involved.

Hinding-hindi ko makalimutan ang sobrang iyak at pakikipaglaban ni Ai Ai before nang may nanakit kay Sancho sa isang convenience store.

Nagkademandahan pa nga sila at talagang hindi tumigil si Ai Ai hangga’t di naparusahan ang nagmaltrato kay Sancho.

We prayed for our baby boy Sancho that time.

Mahal namin lahat ng anak ni Ai Ai tulad ng pagmamahal namin sa kanilang ina.

Nakakatuwa lang na sa kabila ng kasikatan at karangyaan sa buhay, hayun ang Comedy Queen at nililinis ang mga kuko ng kanyang bunso.

Palagi naman kasi silang nagba-bond na mag-ina, eh. Lahat ng pangangailangan ng mga anak niya ay ibinibigay niya.

Lahat ng gusto ng mga ito ay kinakaya niyang ibigay.

Pero hindi spoiled ang mga bata ha, sobra ang pagmamahal at respeto ng mga ito sa ina nila kaya di sila nagloloko.

Car? I guess each one has a car. Travels? Yeah, pinapayagan silang mag-travel with their friends even sa Europe basta ba safe lang sila and everything.

Dates? Yeah, lalo kay Sancho  dahil may girlfriend na nga ang bagets.

And nice bonding. Palagi silang nagmu-moment na mag-iina.

Kaya one “small” happy family talaga sina Ai Ai and beautiful children Sancho Vito, Niccolo and Sophia. Perfect family.

Kahit wala silang father figure sa tahanan nila, they are perfectly alright.

Sarap, di ba? And all the kids are God-fearing just like their mom.

Kaya every now and then ay pinagdarasal namin palagi ang kaligayahan, kaligtasan at tagumpay ng pamilyang ni Ai Ai. Mwah!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

By: Jobert Sucaldito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending