Tom bibigyan muna ng bahay at lupa ang pamilya bago pakasalan si Carla | Bandera

Tom bibigyan muna ng bahay at lupa ang pamilya bago pakasalan si Carla

Ervin Santiago - September 18, 2014 - 03:00 AM

carla abelana
MUKHANG si Tom Rodriguez na nga ang ginu-groom ng GMA 7 para pumalit sa trono ni Dingdong Dantes sa Kapuso network. Napansin kasi namin na ang “packaging” sa kanya ng istasyon ay parang diretso sa tinahak na career path ni Dong.

Sa presscon ng bago niyang programa sa Siyete, ang game show na Don’t Lose The Money kung saan siya nga ang magsisilbing host, tinanong namin si Tom kung ano ang reaksyon niya rito.

Feeling niya, napakarami pa niyang dapat patunayan bago niya marating ang posisyon ngayon ng fiancé ni Marian Rivera.
Chika ni Tom, isa sa mga idol niya si Dingdong at mataas ang respeto niya rito bilang aktor at TV host, “When you say GMA and you think about the leading men there, Dingdong Dantes first comes to mind.

To be able to say na we have the same career path, no, he has had the longevity. If I can have even just half of that, ok na ako.”
Samantala, tila umiiwas naman si Tom ngayon na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Carla Abellana.

Feeling namin, ayaw niya lang magamit ang aktres sa bago niyang game show at nahihiya siya rito kapag laging pinag-uusapan ang kanilang personal lives.

Pero inamin ni Tom na happy siya sa ibinibigay na suporta sa kanya ni Carla, dumalaw pa nga ito minsan sa taping ng Don’t Lose The Money para bigyan siya ng moral support.

Marami ang nagsasabi na lucky charm daw ni Tom si Carla dahil mula nang magkasama sila sa My Husband’s Lover ay nagsunud-sunod na ang projects niya, at ngayon ay game show host na rin siya.

“As a leading lady, I really feel her care and support, kaya thankful talaga ako,” ani Tom. Sa tanong kung nasaang level na ang panliligaw niya kay Carla, “Yun nga, e. I think most kind of things, if ever it will materialize, it will materialize. It’s not something you should orchestrate or plan out. So, I think the best thing to do is enjoy it.

“Kasi even me, just answering these kind of questions or thinking of it in that way, parang you’re like killing any possibility at all. Gusto ko lang mag-focus (sa trabaho).

If anything else happens, I will welcome it, whatever will materialize. And I am very happy with the way everything is unfolding,” paliwanag ng binata.

Naikuwento rin ni Tom na bago siya lumagay sa tahimik at magkaroon ng mga anak, gusto muna niyang tiyakin ang magandang future ng kanyang pamilya, “I really wanna work hard to save up.

Kasi I want to bring my parents here. Gusto ko dito sila mag-retire malapit sa akin. “Pag napatayuan ko na sila ng bahay, I know for 100 percent fact na the future is secure, na wala na silang puproblemahin, everything is taken care of, then I’m gonna continue saving up pero para naman sa magiging pamilya ko.

Ever since when I was young, yun ang goal,” aniya pa. “But like I always say, we never know. When I was younger I thought I’d get married at 26. I’m 26 now and that’s not the case.

Gaya ng sinabi ko, those are the kind of things you don’t plan anymore. I tried planning it and it didn’t work out. When you plan so hard, ang nangyayari it slips out of your hand.

Kaya kailangan hintayin mo na lang yung tamang time,” sey pa ni Tom. Samantala, magsisimula na ang Don’t Lose The Money sa Sept. 22, mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Basta Everyday Happy.

In fairness, ha, ang saya-saya ng game show na ito. Nabigyan kami ng chance na makapaglaro during the presscon – at nakakaloka pala ang mga challenges! Ha-hahaha! Grabe!

Nanginig ang panga namin sa game na ‘yun! Ha-hahaha! Para maka-relate kayo, watch na lang kayo sa Lunes, sure kaming mag-eenjoy kayo nang bonggang-bongga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa direksiyon ni Mark Reyes na puring-puri si Tom bilang baguhang host. Sabi nga niya, kung may Luis Manzano ang ABS-CBN, meron namang Tom Rodriguez ang GMA 7! ‘Yun na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending