Zsa Zsa di na tuloy ang kasal namin ni Dolphy! | Bandera

Zsa Zsa di na tuloy ang kasal namin ni Dolphy!

- March 06, 2012 - 04:34 PM

Hindi raw pera ang habol niya sa Comedu King

NAGING madamdamin ang huling presscon ng pinakamalaking family drama series ng ABS-CBN na Budoy dahil sa mga bida nito.

Naging close na kasi ang stars ng serye mula  kay Gerald Anderson, Tirso Cruz III, Janice de Belen at Zsa Zsa Padilla.

Kaya nu’ng nagbibigay na sila ng parting words, ‘di na napigilan ni Zsa Zsa ang mapaluha.

Naging support group na kasi ni Zsa Zsa ang cast ng Budoy kung saan dito siya nagsusumbong ng kanyang mga problema.

Sambit nga ni Zsa Zsa, baka kailanganin na niyang kumuha ng psychiatrist ngayong mawawala na ang support group niya dahil huling linggo na nga ng Budoy.

Hindi naman lingid sa marami ang pinagdadaanan ngayon ng Divine Diva tungkol sa kanyang lovey na si Comedy King Dolphy.

“Siyempre kahit paano you’ve been hearing rumors, ‘di ba? The past few years had been difficult for my family.

Alam naman nila na si Dolphy, aside from being 83 years old.

Siyempre he’s not in the pink of health and a lot of time talaga na naging very, very considerate sila.

Manggagaling ako sa ospital na wala akong tulog.

Diretso ako sa set. Laging ganu’n ang buhay ko.

Nararamdaman ko ‘yung alaga at pag-aalalay nila sa akin,” lahad ni Zsa ZSa.

Ilang linggo ring nanatili sa Makati Medical Center si Dolphy at ngayon ay balik-bahay na ang Hari ng Komedya, “Mas stronger kami ngayon, oo.

I just realized that the other day. It’s just so nice to realize that I missed  Dolphy whenever I’m not with him.

It has brought us closer. And in a sense, you know we’ve been together probably for 23 years, ang tagal na, ‘no? Sa showbiz parang 100  million years na ‘yun.

“Maganda ‘yung feeling sa tagal ng pagsasama namin you would feel the need to be with this person.

Parang ‘yung nag-uumpisa ‘yung relationship ninyo. Quite honestly, I would say I’m in love with him again,” pahayag ni ZsaZsa.

Tungkol naman sa inaasam-asam na kasal noon nina Dolphy at Zsa Zsa, diretsahang sinabi ng Divine Diva na hindi na ito mangyayari.

Hindi na raw nila pinag-uusapan ang tungkol dito dahil magulo lang.

“Aaminin ko affected ako na iniisip sa akin ng tao na pera lang ang habol ko sa kanya.

Sa tagal na ng pagsasama namin kung mauuwi man sa kasal ay nabibigyan pa ng malisya, na sasabihin, ‘Hindi, pera lang ‘yan.’ So, I wanted to disprove that.

Sa totoo lang, it should have been the two of us.

Kaya lang since malaki rin ‘yung pamilya niya and may complications na mangyayari, so, we ‘ve decided na huwag na lang.

“Let’s just, kumbaga, tayo pa rin naman, e. Nothing has changed.

And you know, I’m still here. I’m still supporting you a hundred percent. Ganu’n din naman siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So, wala na akong dapat hilingin pa,” diin ni Zsa Zsa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending