Jose may ibang babae raw, iniwan ang pamilya | Bandera

Jose may ibang babae raw, iniwan ang pamilya

- March 06, 2012 - 01:50 PM

Hindi na  nakatiis ang kanyang asawa kaya nagsalita na 

PARANG hindi naman affected ang TV host-comedian na si Jose Manalo sa pag-amin ng kanyang asawa na meron na siyang ibang babaeng kinakasama.

Okay na okay pa rin kasi si Jose nang umapir sa Eat Bulaga kahapon, inaasahan kasi ng marami na pagkatapos magsalita ang kanyang misis na si Annalyn Manalo tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ay aabsent muna siya sa Eat Bulaga.

Pero hindi nga ‘yun ang nangyari. Masayang-masaya at kering-keri pa rin ni Jose ang magpatawa sa noontime show ng GMA.

Say nga ng ilang nakausap namin, baka raw alam na rin ni Jose na ibabandera ng kanyang misis ang diumano’y pagkakaroon niya ng ibang kinakasama.

Ibinunyag ni Annalyn ang pag-abandona diumano ni Jose sa kanilang mag-iina sa The Buzz noong Linggo.

Sinabi nga ng misis ni Jose na umalis ang TV host sa kanilang tahanan noon pang January, 2012.

Sa interview ni Annalyn sa nasabing programa, sinabi nitong, “Sa pagkakaalam ko, at alam na alam na naming lahat, mayroon at marami na rin akong pruweba na totoo nga ito, totoo ngang may babae siya.

“Umalis siya January 6 this year, pero yung mga bagay na ito, alam ko na last year pa.

Since January alam ko na ang nangyayari, tinitiis ko lang lahat ito para sa mga bata,” ayon pa kay Annalyn.

Bukod diyan, sobrang nasaktan daw siya nang siraan daw siya ni Jose sa kanilang mga kaibigan, at kasabay daw nito ang pagba-ban sa kanila sa Broadway kung saan ginaganap ang Eat Bulaga.

Pero sa kabila nga nito, mahal na mahal pa rin daw ni Annalyn si Jose at patatawarin pa rin daw niya ang asawa kapag bumalik ito sa kanilang mag-iina.

Well, wait na lang tayo kung ano ang magiging comment dito ni Jose, for sure meron siyang magandang sagot sa mga ibinandera ng kanyang misis. Kaya huwag muna natin siyang husgahan, sa ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kung totoo ngang may iba nang kinakasama si Jose, sana’y bigla siyang mauntog at ma-realize niya na may panahon pa para balikan niya ang kanyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending