Lovi, Singson nagkabalikan na raw | Bandera

Lovi, Singson nagkabalikan na raw

- March 04, 2012 - 05:40 PM

Mukhang totoo yata ang nabalitaan namin na nagkabalikan na raw sina Lovi Poe at Ronald Singson.

Ilang beses na raw kasing nakikitang magkasama ang dalawa sa mga showbiz events at laging sweet na sweet.

Balitang hindi tinatantanan ni Singson ang panunuyo kay Lovi para muli silang magkabalikan.

Hindi naman itinatago ng aktres na may puwang pa rin sa puso niya si Singson pero ayaw daw niyang magsalita nang tapos dahil baka nga naman kainin din niya ito sa bandang huli.

Well, kung nagkabalikan man ang dalawa, wala na tayong magagawa diyan. Ibig sabihin lang niyan, talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Para naman sa mga nag-aabang ng mga madadrama at nakakalokang eksena sa Legacy kung saan bidang-bida nga itong si Lovi, ngayong gabi magugulat ang lahat sa ginawang panunugod ni Natasha.

Galit na galit ito kina Josh at Diana.

Dahil dito ay ipatitigil na niya ang engagement.

Magpapaliwanag si Josh pero ayaw ng makinig ni Natasha sa kahit anong sasabihin ng boyfriend.

Si Diana naman ay sobrang nagsisisi na itinago niya pa sa kapatid ang nangyari.

Sa opisina ay muling magtatapat sina Diana at Natasha.

Pipilitin ni Natasha na umalis na si Diana.

Hindi papayag si Romualdo pero mananakot si Natasha na kapag hindi umalis si Diana ay siya ang mawawala.

Hindi agad makasagot si Romualdo. Ilabas daw ni Natasha ang kumpanya sa personal nilang problema.

Hindi naman papatalo si Natasha at kapag ipinagpatuloy daw ito ng lolo niya ay magre-resign siya.

Makukunsyensya lalo si Diana at kakausapin si Romualdo na siya na lang ang aalis.

Hindi rin papayag ang matanda at sasabihing aayusin niya ang gusot.

Kalat na sa buong Legacy ang nangyari. Kahit saan ay pinagtsitsismisan siya.

Sa pagtakbo niya para makaiwas ay madadapa siya. Gulat siya ng si Inigo ang tutulong sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang Legacy gabi-gabi sa GMA TeleBabad kasama sina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, Alex de Rossi, Mike Tan, Eddie Garcia, Cherrie Gil at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending