Bakit di ginagalang ang pulis | Bandera

Bakit di ginagalang ang pulis

Ramon Tulfo - September 11, 2014 - 03:00 AM

“OUR police are working hard to be deserving of the trust of the people (Ang ating kapulisan ay nagsisikap na makuha ang tiwala ng taumbayan),” ani Communications Secretary Herminio Coloma.

Nagpapatawa itong si Coloma. Hahahaha!

Sa anong paraan nagsisikap ang Philippine National Police (PNP) na maging karapat-dapat sa tiwala ng taumbayan?

May nakikita bang pulis sa kalye sa Metro Manila, halimbawa?

Kung nakikita mo man sila ay nasa kanto lang at di nakaupo sa silya sa ilalim ng tent.

At kapag nakikita mo ang pulis ay madalas ay nagti-text ito o tumatawag sa kanyang cellphone sa halip na magmasid-masid sa nangyayari sa kanyang natatanaw.

Ang kung nakakikita mo man ang isang pulis, siya’y hindi nakauniporme dahil parang ikinahihiya niya ang kanyang police uniform.

Siya’y nakasibilyan at nakabukol ang sukbit niyang baril sa baywang.

At kung nakikita mo ang mga pulis na nakasakay sa mobile patrol car, ipinaparada nila ang patrol car sa di pansining lugar at doon sila natutulog.

Nakikita mo ang mga pulis na nakaistambay sa presinto sa halip magronda sa labas.

Kaya’t naglalakihan ang kanilang mga tiyan dahil wala silang ehersisyo.

Paano mong pagkakatiwalaan o igagalang ang kapulisan na di mo nakikita sa kalye?

Maraming pulis na utak-criminal dahil napaka-lax ng disiplina sa PNP.

Ang mga sangkot sa kidnapping sa Edsa (sa parte ng Mandaluyong City) ay ilan lamang sa mga napakaraming tiwaling miyembro ng PNP.

Bukod sa kidnapping, sangkot ang maraming pulis sa pangingikil, pagnanakaw, sindikato ng gun-for-hire, carnapping at pang-aabuso sa sibilyan gaya ng pambubugbog at panghahalay sa mga kababaihan.

Kaya’t inuulit ko, paano mong pagkakatiwalaan o igagalang ang kapulisan?

Ang slogan na “to serve and protect” ay dapat ma-ging “to rob, rape and kill.”

Natatandaan ko pa ang nangyari sa aking tiyahin na si Ma. Consejo Veradio, kapatid ng aking ina, na may-ari ng botika sa Manay, Davao Oriental.

Nakasakay ang aking Tiya Conching sa bus patungong Davao City
upang ipalit ang mga medisina na malapit nang mag-expire sa supplier sa lungsod.

Dumaan ang bus sa isang checkpoint sa Compostela Valley at pinababa ang lahat ng pasahero habang ininspeksiyon ng mga pulis ang bus.

Nang makita ang kahon na may lamang mga medisina, tinanong ng isang pulis kung ano ang laman nito.

Sinabi ng aking tiyahin na mga medisinang malapit nang mag-expire.

Pinaiwan siya sa checkpoint at pinalarga na ang bus patungong Davao City.

Pinaratangan ang aking tiyahin na siya’y isang drug pusher o drug dealer dahil may dala siyang mga gamot.

Nang mangatwiran ang aking tiyahin na hindi siya drug pusher, pinatindig siya sa init ng araw.

Tinanong ng aking Tiya Conching kung bakit siya, na may katandaan na, ay ginaganoon ng pulis.

Walang maisagot ang mga pulis at siya’y pinasakay sa dumaang bus.

Hindi man lang humingi ng dispensa ang mga mokong!

Ngayon, paano mo igagalang o pagkatiwalaan ang kapulisan na mapang-api sa mga ordinaryong tao?
qqq
Kung ako ang masusunod, dapat ang lahat na pumapasok sa PNP ay magsisimula sa pinakamababang ranggo (police officer 1 o PO1).

Dapat ay lansagin na ang Philippine National Police Academy (PNPA) kung saan nagiging inspector (2nd lieutenant sa military) ang kadete sa graduation.

Batambatang opisyal na kaagad dahil nakatapos sa PNPA. Dapat ang isang pulis ay tumagal muna sa pagiging ordinaryong pulis bago siya maging opisyal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dalawang opisyal na nasangkot sa Edsa kidnapping ay graduates ng PNPA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending