Tina Paner matagal nang hindi kinakausap ang ina, may malalim na alitan?
INAMIN ng dating aktres na si Daisy Romualdez na may samaan sila ng loob ng anak na si Tina Paner.
Ito ay kanyang nailahad sa aktres na si Snooky Serna sa YouTube vlog nito na uploaded nitong Biyernes, November 9.
Pagbabahagi ni Daisy, dalawang taon na raw siyang hindi tinatawagan ni Tina.
Maging ang apo raw nito sa kanyang anak ay hindi rin siya kinukumusta.
Baka Bet Mo: Bwelta ni Tina Paner kay Ynez Veneracion: At least hindi ako produkto ng ‘Salamat po, Doc!’
Bandera IG
View this post on Instagram
“Nagdadamdam ako kay Tina. Mga two years na hindi ako tinatawagan. Yung apo ko malaki na, nag-aaral na ng Medicine, walang tawag sa akin. Nothing,” saas ni Daisy.
Dagdag pa niya, para raw hindi siya nag-eexist sa mundo.
“Kung wala ako, walang Tina Paner, di ba?” pagpaptuloy pa ni Daisy.
Hindi naman na idinetalye pa ng dating aktres kung ano ang dahilan kung bakit sila nagkasamaan mg loob ng anak ngunit sa kabila nito ay mararamdaman mong nandoon pa rin ang pagmamahal nito sa anak.
“All my friends know papano ko pinalaki mga anak ko… paano ko minahal sila… Halos ayaw mo padapuan ng langaw. Lahat mahal ko iyan, pero in return what did I get?
“I was telling you about Tina, kaya masamang-masama ang loob ko sa kanya,” lahad pa ni Daisy.
Sa tanong naman kung ano ang kanyang gagawin sakaling lumapit sa kanya ang anak, mukhang madali naman siyang masusuyo ng anak.
“Minsan galit na galit ako sa tao, pero pag nag-ano [nanuyo] naman sa akin, hindi ko rin matiis. Ganon naman ang ugali ko. Kaya naman di rin ako ganoon kasama,” sey ni Daisy.
Para sa mga hindi aware, si Tina Paner ay isang singer-actress na sumikat noong ’80s.
Amin pa ni Daisy, mag-isa lang siya ngayon ngunit binibisita pa rin siya ng isa pang anak na si Danita Paner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.