Hindi lang puro love para kina Gabbi at Khalil; Gardo magpapaiyak sa Wish Ko Lang | Bandera

Hindi lang puro love para kina Gabbi at Khalil; Gardo magpapaiyak sa Wish Ko Lang

|August 14,2020
facebook
share this

Hindi lang puro love para kina Gabbi at Khalil; Gardo magpapaiyak sa Wish Ko Lang

- August 14, 2020 - 11:03 AM

 

GOING strong pa rin ang relasyon ng Kapuso star na si Gabbi Garcia sa boyfriend na si Khalil Ramos.

Ito’y kahit na nga hindi sila masyadong nagkakasama dahil sa ipinatutupad pa ring community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Nang tanungin ng fans kung ano ang sikreto sa kanilang healthy relationship, ibinahagi ng dalawa sa pamamagitan ng isang livestream ang isamg love advice.

“I think it’s one, time management, and it’s acknowledging there’s a level of maturity that you have to attain for you to accept that you have to balance out everything.

“You have to weigh your priorities, hindi pwedeng dahil sobrang in-love kayo ay talagang ‘yun lang ‘yung gagawin n’yo,” ani Gabbi.

In fairness, tahimik at walang issue o intriga sa relasyon nina Gabbi at Khalil. Talagang napapanatili nila kahit paano ang kapribaduhan ng kanilang relasyon.

Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi bilang si Alena sa rerun ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.

* * *

Isang single dad ang gagampanan ni Gardo Versoza sa susunod na fresh episode ng “Wish Ko Lang” ngayong Sabado.

Makakasama niya rito sina Tina Paner, Amjo Damiles, Micko Laurente at Miggs Cuaderno.

Umiikot ang mundo ng foreman na si Edgardo (Gardo) sa asawa niyang si Elena (Tina) at mga anak nilang sina Charles (Micko) at Edel (Miggs). Lahat ginagawa niya para sa asawa, pero sa kabila nito nagawa pa ring pagtaksilan ni Elena si Edgardo.

Taong 2012, na-stroke si Edgardo. Habang paralisado, pinatira pa ni Elena ang kalaguyo niyang si Brix (Anjo) sa sarili nilang tahanan. Dito nahuli sa akto ni Edgardo ang ginagawang kataksilan ng asawa.

Hindi makapaniwala si Edgardo na ipagpapalit siya ng asawa sa isang lalaking halos kalahati ang edad sa kanila. Ang mas malala pa, noong nagkahulihan, mas pinili ni Elena na sumama kay Brix at iwan si Edgardo maging ang kanilang mga anak.

Mula noon, nagsumikap si Edgardo na mag-isang itaguyod ang kanyang mga anak. Hindi madali ang pagiging solo parent para kay Edgardo lalo pa dahil nadiskubre nyang may congenital catarata ang dalawa niyang anak at may austism ang panganay niyang si Charles.

Mas tumindi ang pagsubok kay Edgardo nang biglang bumalik si Elena makalipas ang ilang taon para kunin ang kanilang mga anak. Sa lahat ng sakripisyong ito ni Edgardo, iisa lang ang kanyang hiling: ang magkaroon ng maayos na buhay ang kanyang mga anak.

Bilang isang ama, naiintindihan daw ni Gardo ang hiling na ito ni Edgardo. “Naka-relate ako sa pagiging responsable niyang tatay.”

Saad pa ng beteranong aktor, mas na-realize niya ang kahalagahan ng pamilya sa gitna ng pandemya, “Walang halaga lahat ng materyal na bagay. Ang importante pa rin ang pagmamahal mo sa pamilya.”

Samantala, may payo naman si Tina para sa mga mag-asawa, “Ang payo ko, kung hindi na kayo masaya sa isa’t isa, sana isipin n’yo na lang yung kapakanan ng mga anak ninyo. But then kung hindi na talaga healthy ang relationship n’yo bilang mag-asawa at least be friends para sa mga anak n’yo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending