Buhay ni Angelica Yulo gagawing pelikula; patitirahin sa P95-M na bahay?
ISANG mayamang negosyante raw ang nagbabalak na gawan ng pelikula ang equally-controversial na nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo.
Sinasabing naantig at na-inspire ang nasabing businessman sa kuwento ng buhay ni Angelica kaya nagkainteres itong isalin sa pelikula ang kanyang life story.
Napag-usapan ito sa latest episode ng entertainment vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” kung saan ibinalita nga ng talent manager at online host ang tungkol sa mga bagong kaganapan sa pamilya Yulo.
Unang natanong ng co-host ng show na si Mama Loi si Mama Ogs kung may pagkakataon na bang nakapag-abot ng tulong si 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa kanyang pamilya, kahit man lang pasikreto at hindi nalalaman ng publiko.
Sagot ni Ogie, “Sabi sa ‘kin ng aking source, hindi pa raw. Hindi naman daw. Wala pa raw nangyaring ganu’n.
Baka Bet Mo: Angelica Yulo dapat paghandaan ang pagrampa sa Mrs. Philippines 2025
“Eh, hindi ba ganu’n nga ‘yung sina-suggest ko? Na sana, kahit pailalim, eh magbigay, mag-share ng kanyang blessings si Carlos Yulo sa kanyang pamilya. Ngayon kapag tinanggihan, eh hindi naman na niya ‘yun kasalanan,” ang katwiran ng online at TV host.
Na-taclle rin nila ang pagpapasalamat ng nanay ni Carlos sa nag-sponsor sa kanyang Singapore trip kasama ang ilang kaibigan na ibinandera nga niya sa kanyang Facebook page.
Ang sey ni Angelica, sinagot daw ng panganay niyang anak na si Jorielgel Yulo (isang coach at national judge sa gymnastics) ang kanyang airfare ticket habang ang kanilang pag-stay sa sosyaling hotel sa SG ay sponsored naman ng isang “kindhearted woman.”
Bukod pa riyan ang pabaon sa kanilang pocket money. Pero ayaw daw magpabanggit ng pangalan ang kanyang sponsor.
“Bye SG see you manila in a bit. Thank you to the kindhearted woman who sponsored our stay in one of a luxurious hotel in SG for 1 week, with matching pocket money, thank you so much God bless you more ( she doesnt want to mention her name).
“Thank you also to my eldest daughter, my travel buddy and food buddy for sponsoring my air fare ticket, love you always” ang nakasaad sa FB post ni Angelica.
Pero ayon kay Mama Ogs, ang nasagap niyang impormasyon ay isang mayamang businessman daw ang nag-sponsor sa Singapore trip ng grupo nina Angelica.
Bukod dito, may plano rin daw ang mayamang negosyante na isalin sa pelikula ang life story ni Angelica.
“At alam mo ba? Gagawing pelikula ang buhay ni Angelica, ang ‘The Angelica Yulo Life Story,'” ani Ogie.
Usisa ni Mama Loi, “Talaga? Bakit hindi Carlos Yulo Life Story?”
“Eh, kasama na ‘yun do’n, kasi iba pa rin daw at naiiba ang kuwento ni Mommy Angelica,” katwiran ni Mama Ogs.
At ang pinakabongga pa, nagsabi raw ang rich businessman na patitirahin din niya ang pamilya Yulo sa pag-aari niyang bahay worth P95 million hanggang kailan nila gusto.
Ibig sabihin, parang ibibigay na rin ng galanteng negosyante sa pamilya ni Angelica ang naturang bahay.
Kuwento ni Ogie, lumaki rin daw kasi sa hirap ang naturang negosyante at talagang mahal na mahal daw nito ang kanyang mga magulang kaya nga naapektuhan siya sa nangyari sa pagitan ni Carlos at ng kanyang parents.
At ito rin daw ang dahilan kung bakit nais niyang tulungan ang pamilya nina Angelica na mas mapabuti at umangat pa ang kanilang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.