Ara kay Cristine: Sabi ko, ako muna ang mabubuntis, next year na siya! | Bandera

Ara kay Cristine: Sabi ko, ako muna ang mabubuntis, next year na siya!

Ervin Santiago - September 11, 2014 - 03:00 AM


SA darating na December manganganak ang dating sexy actress na si Ara Mina courtesy of her boyfriend Bulacan Mayor Patrick Meneses. Nakachika ng entertainment media si Ara sa presscon ng bago niyang proyekto sa TV5, ang musical series na Trenderas na pagbibidahan ng tatlong Kapatid singing sensation – ang dating child star na si Isabelle de Leon, ang “Suklay Diva” at YouTube star na si Katrina Velarde na member din ng A.K.A. Jam ng X Factor Philippines at ang baguhang biriterang si Lara Maigue.

Ayon kay Ara, doble pa rin ang ginagawa niyang pag-iingat kahit na malapit na siyang manganak, ayaw daw niyang magkamali sa mga kilos niya para masigurong healthy ang kanilang baby paglabas.

Maliit magbuntis si Ara, kapag nakita n’yo siya sa malapitan, aakalain mong hindi siya buntis. Girl ang first baby nina Ara at Mayor Patrick kaya naman ang ganda-ganda ngayon ng aura ng Kapatid actress.

Samantala, natanong din si Ara tungkol sa balitang buntis na rin ang sister niyang si Cristine Reyes. Kung matatandaan, napikon nga nga si Cristine nang matanong ng press tungkol dito sa premiere night ng “The Gifted” kung kaya bigla siyang nag-walkout.

“Natatawa din ako kasi in-assume nila na buntis din si Cristine. Kasi buntis ako, buntis din ang sister ko. Plus the fact na si Cristine ay inaamin din niya na gusto na rin niyang magka-baby.

Very open naman siya du’n, pero sabi ko nga sa kanya paunahin na muna niya ako. So, baka next year na siya,” natatawang pahayag ng aktres.

Hindi rin daw nagkukuwento sa kanya ang kapatid, siguro naman daw, siya ang isa sa mga unang makakaalam kung pregnant nga ang Kapamilya actress, “Hindi (siya nagsasabi), wala.

Sasabihin naman siguro niya kung buntis siya, wala namang masama. Kasi, gusto niya talagang magbuntis,” chika pa ni Ara. Nakilala na raw niya ang boyfriend ni Cristine, isa itong Persian.

“Okay naman siya, mabait naman siya. Nakikisama naman siya sa family, ganu’n. Wala naman akong problema na na-encounter na ano…,” pabiting sey pa ng aktres.

Samantala, balik-akting nga si Ara sa musical serye ng TV5 na Trenderas na magsisimula na ngayong Sabado, Sept. 13, 9 p.m.. Makakasama rin dito sina Dingdong Avanzado, Tina Paner, Carl Guevara, Edward Mendez, Francince Prieto, at ang mga gaganap na kontrabidang sina Kitkat, K Brosas at Cacai Bautista.

May special participation din dito ang Superstar na si Nora Aunor na gaganap bilang mentor ng tatlong bida ng serye na sina Isabelle, Katrina at Lara.

Gaganap ang tatlo bilang matalik na magkakaibigang mga tinderang sabay-sabay na inaahon sa hirap ang kanilang mga pamilya. Marami man silang pagkakaiba sa isa’t isa, ang kanilang pagmamahal sa musika at pangarap na maging mga sikat na mang-aawit balang araw ang nagpapatibay sa kanila.

In fairness, alam ng TV5 ang pananabik ng viewers sa mga ganitong uri ng programa – maaaliw ka na, mai-inspire ka pang ipagpatuloy ang iyong mga pangarap Kuwento kasi ito ng mga simpleng taong patuloy na nilalabanan ang mga pagsubok ng buhay upang matupad ang kanilang mga pangarap — at lalo pang ginawang mas kakaiba ang teleserye sa pag-daragdag ng mga musikang umaawit patungkol sa pagkakaibigan, ambisyon at pangarap makamit ang tagumpay.

Bukod rito, magiging kakaiba rin ang pagtampok ng programa sa mga iba’t ibang sikat na awitin bilang ang mga lyrics nito ay mismong magiging dialogue ng mga karakter—kaya’t siguradong masdadamdamin pa lalo ng mga manonood ang bawat eksena at kanta sa Trenderas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang special one-hour pilot premiere ng Trenderas ngayong Sabado ng gabi tampok ang mga all-time favorite hits ng Eraserheads, Ogie Alcasid, Apo Hiking Society, Itchyworms at Aegis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending