Kris handang tulungan si Daniel para maging Filipino | Bandera

Kris handang tulungan si Daniel para maging Filipino

Ervin Santiago - September 10, 2014 - 03:00 AM


WALANG tensiyon sa pagitan ng ex couple na sina Daniel Matsunaga at Heart Evangelista nang magkrus muli ang kanilang landas sa ginanap na Star Magic Ball noong weekend.

First time um-attend sa nasabing Star Magic event ang PBB All In big winner habang ilang taon na ring rumarampa roon si Heart, ito’y sa kabila nga ng pagiging GMA talent niya.

Kasama niya that night ang kanyang fiancee na si Sen. Chiz Escudero. Sa live episode ng Kris TV noong Lunes, natutuwa siya na nagkita uli sila ni Heart at nakilala rin daw niya si Sen. Chiz. Nagpalitan daw sila ng “hi-hello”.

“Siyempre naman, okay masaya, okay lang ang lahat,” ani Daniel na pinatunayang naka-move on na sila ng kanyang ex-dyowa matapos silang maghiwalay years ago.

Samantala, inaayos na ngayon ni Daniel ang kanyang mga dokumento para sa pag-a-apply niya ng Filipino citizenship. Seryoso na siya sa plano niyang manirahan dito sa Pilipinas, bukod dito, balak din niyang kumbinsihin ang kanyang pamilya sa Brazil na dito na rin manatili sa bansa.

Nangako naman si Kris Aquino na tutulungan siya sa legal process na kailangan niyang pagdaanan para tuluyan na siyang maging Pinoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending