Zanjoe, Bea pinaghahandaan na rin ang bonggang kasal | Bandera

Zanjoe, Bea pinaghahandaan na rin ang bonggang kasal

Ambet Nabus - September 07, 2014 - 03:00 AM


“Pinaghahandaan po iyan. Kahit anong panahon, kahit anong uso, dapat pinaghahandaan,” ang bahagi ng tugon ni Zanjoe Marudo hinggil sa  nauusong marriage proposal ngayon among showbiz couples.

Palagi kasing natatanong sina Zanjoe at Bea Alonzo kung kailan sila magpapakasal, at kung may balak ba silang makiuso sa madadramang engagements sa showbiz.

“Darating tayo diyan. Sabi ko nga, hindi naman kami kailangang makiuso o gumaya. Siyempre happy ako sa mga ganu’ng developments, pero nakita naman natin na pinaghandaan din talaga nila ‘yun.

Kami kasi in all honesty, naghahanda pa lang. Napag-uusapan na, pero walang finality kasi hindi pa talaga ready eh,” ang tila nahihiya pang sagot ng aktor.

Isa si Zanjoe sa mga bida ng “Maria Leonora Teresa”, ang horror-movie na idinirek ni Wenn Deramas. Gaganap siyang isang discreet gay teacher na adoptive parent ni Leonora.

Gaya ng dalawang parents na sina Jodi Sta. Maria (for Teresa) at Iza Calzado (for Maria), mawawala rin sa kanya ang anak at sa isang manika niya ibubuhos ang kalungkutan dahil sa matinding depresyon.

“Naging tatay na ako sa soap (Annaliza) at naranasan ko na rin kahit paano ang maging isang ama. At naging bading na rin ako (Bromance) kaya’t hindi na bago sa akin ang role ko bilang bading na ama dahil pinagsama ko lang naman.

Ang challenge talaga ay ‘yung elemento ng horror at drama, ‘yung habang nagsisisigaw ha, e, nag-e-emote ka. Mabuti na lang at mahusay si direk Wenn (na first time ding mag-didirek ng horror movie),” kuwento pa ni Zanjoe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending