Heart epal daw, pati B-day Party ng kambal ni Chiz pinakialaman | Bandera

Heart epal daw, pati B-day Party ng kambal ni Chiz pinakialaman

Ambet Nabus - September 06, 2014 - 03:00 AM


Bakit kaya ayaw tantanan ng mga intriga sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista? Pagkatapos ng isyu sa Balesin Island, may bago na naman silang haharaping isyu, may kinalaman ito sa nalalapit na birthday ng kambal na anak ni Sen. Chiz.

Napag-alaman namin na personal daw na inaasikaso ni Heart (o ipinaasikaso?) ang birthday party para sa kambal at talagang tinututukan daw nito ang bawat detalye ultimo mga giveaways, list ng bisita at iba pa.

Ang siste, ang mismong nanay pala ng mga bagets ay mayroon ding sariling plano para sa birthday party ng mga anak. Magaganap ito sa mismong araw ng kaarawan ng mga anak habang yung kay Heart ay isang araw na mauuna.

Gaya ni Heart, maraming mga bisitang magkakapareho nilang inimbita lalo na yung mga kaklase ng twins. Medyo nahihilo at nalilito daw umano ang ilan sa mga ito dahil nga sa dalawang magkaibang parties na magkasunod na magaganap at mga imbitasyon na galing sa magkaibang “nanay.”

Magkakaiba pa rin ang opinyon ng mga tao hinggil sa isyu lalo na sa puntong pag-epal ni Heart, pero malinaw nga raw na mismong si Sen. Chiz ang nag-request kay Heart na pamahalaan nito ang party ng mga anak.

Siyempre given na naman yung sa panig ng totoong nanay, na in all fairness ay tahimik naman daw na ginagampanan ang obligasyon sa mga anak.

Hay, naiimadyin na talaga namin ang sakit ng ulo ni Heart dahil sa mga ganitong uri ng intriga, lalo na kapag involved na ang ex-wife.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending