Mababa ang turing ng Arabo sa mga babae | Bandera

Mababa ang turing ng Arabo sa mga babae

- September 22, 2009 - 04:03 PM

ANG mapait na karansan na sinapit ng isang domestic helper sa Saudi Arabia ay dapat magbigay ng aral sa ibang overseas Filipino workers (OFW).
Kung ikaw ay babae, huwag magtrabaho sa Arab countries bilang katulong sa bahay dahil ibang-iba ang kultura doon kesa atin.
Ang OFW ay nakakulong ngayon sa Saudi Arabia matapos siyang nabuntis dahil sa panggagahasa sa kanya ng ilang kalalakihan.
Siya na nga ang naagrabiyado, siya pa yung nakakulong ngayon!
Mababa ang turing ng mga Arabo sa babae: ito’y parang kasangkapan at nasa kategorya ng pet o hayop sa bahay.
Kung ganoon ang turing ng mga lalaking Arab sa kanilang mga asawa at kamag-anak na babae, kaya pa yung mga babaeng dayuhan?
Kapag ikaw ay babae, huwag mong asahan na ikaw ay ituturing na tao ng mga Arabo, lalo na sa Saudi.
Sa mga Pinay na nagbabalak na papasok ng katulong sa Saudi at ibang bansang Arabo, mag-isip isip muna kayo.
Parang taga ibang planeta ang kultura ng mga Saudi.
*                   *                                *
Kung hindi lang ipinaglaban siya ng dating Ambassador to Dubai Roy Seneres, mabubulok sana si Sarah Balabagan sa bilangguan sa United Arab Emirates.
Si Balabagan, na ngayon ay sikat na, ay namasukan bilang katulong sa isang pamilyang Arabo sa UAE.
Isang araw, ang ama ng kanyang amo ay ginahasa si Sarah. Wala na siyang nagawa. Pero sa ibang mga araw ibig na naman siyang gahasain. Nanlaban si Sarah at napatay niya ang lalaki.
Nahatulan sa Sarah ng habambuhay na pagkabilanggo.
Hindi dininig yung kanyang depensa na pinatay niya ang lalaki dahil pinagtangkaan na naman siyang gahasain.
Kung wala noon si Seneres, na halos halikan ang mga puwit ng mga Arabo upang tulungan si Sarah na nakalabas, hanggang ngayon ay nakakulong pa rin si Sarah.
*                     *                              *
Hindi lang mga Arabong lalaki ang mapagsamantala sa kanilang mga katulong sa bahay kundi mga babae at mga bata rin.
Ang turing kasi ng mga Arabo sa kasambahay ay alipin o slave na puwedeng gawan ng kung anu-ano.
Karamihan ng mga among Arabo ay malulupit.
Kahit na malaki ang tinatanggap mong suweldo, matutumbasan ba ito ng pagkawala ng iyong dignidad?
*                   *                                *
Alam ba ninyo na nadedemonyo ang mga hinayupak na lalaking Arabo kapag nakita niya ang kanyang katulong na Pinay na nakalugay ang buhok matapos itong maligo?
Ganoon yata yung nangyari kay Sarah.
Katatapos lang niyang maligo at nakalugay kanyang buhok matapos lumabas ng banyo nang makita ito ng ama ng kanyang amo.
Tinigasan ang matandang lalaki at ni-rape si Sarah.
*                    *                               *
Sa Saudi, kapag nagreklamo ang isang babae na siya’y binastos ng lalaki ang pinaniniwalaan ng mga pulis o korte ay yung lalaki.
Take the case of my friend, a flight stewardess of Saudi Airlines, who went shopping in a suk or market in Riyadh during her break.
Nang nasa suk na ang aking kaibigan, naramdaman niyang may tumutusok sa kanyang likod. Nang nilingon niya, nakita niyang kinakanyod ang kanyang likod ng Arabo. Umalis siya at lumipat sa ibang puwesto. Pero sinundan siya ng Arabo at nakatutok pa rin ang ari
nito sa kanyang puwit. Nakakita ng spray ng buhok ang kaibigan ko at inisprehan ang mukha ng Arabo.
Napasigaw ang Arabo sa hapdi ng spray. Nagkaroon ng commotion at dumating ang mga pulis.
Sinabi ng lalaki na inisprehan siya ng aking kaibigan kahit wala itong ginagawa sa kanya.
Dadalhin na sana ng mga pulis ang kaibigan ko pero ipinakita niya ang “katas” ng lalaki na tumalsik sa kanyang damit.
Saka lang siya pinawalan.
Pero ang lalaki ay pinawalan din.

Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA 092209

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending