E-10 gas problema ng motorsiklo? | Bandera

E-10 gas problema ng motorsiklo?

- February 29, 2012 - 04:20 PM

ITO ang madalas na sumasagi sa isip ng maraming mga motorcyle rider, partikular na yung mga may-ari ng de-100 at 125 cc na motorsiklo.

Sinubukan kunin ng Bandera ang panig ng mga naglalakihang manufacturer ng motorsiklo, gaya ng  Honda, Yamaha, Kawasaki at Suzuki, maging ang mga Chinese at Taiwanese brands, ngunit hindi nagsisagot ang mga ito tungkol sa E-10 gas.

Gayunman, ayon sa isang source, hindi umano maaaring direktang sabihin na kasalanan ng manufacturer ang maling  langis na nailalagay sa motorsiklo.

Hindi rin maaaring isisi sa mga manufacturer kung mali ang pagkakatimpla ng langis para sa mga maliliiit na motorsiklo, o kung hind man bagay ang fuel additive sa mga karburador at filter.

Hindi rin kasalanan umano ng mga manufacturer  kung ang fuel ay pinalabnaw.

Ayon kay Michael Rivera, 32, miyembro ng Socsargen Rider Club at may-ari ng  roadside motorcycle shop sa Laurel East, General Santos City, ang unleaded na E-10, gasolina na tinimplahan ng 10 porsyentong ethanol, ay nagdudulot ng hindi maipaliwanag na epekto sa makina.

“Pero, kailangan ng matagal na pag-aaral dito,” ayon kay Rivera.

Maraming mga motorcycle rider ang nagsasabi na ang unleaded E-10 ay may epekto sa fuel tank floaters, na nagreresulta nang hindi tamang pagbasa ng metro ng langis.

Bukod dito mabilis sa konsumo ang langis kung tumatakbo ang motor ng 80kph sa loob lang ng ilang minuto.

May epekto rin umano ang pagkalunod ng karburador na nagreresulta sa pahirapang pag-start ng makina,.

Isa pang sinasabing problema sa E-10 ay hinaharang din umano nito ang fuel lines ng four-stroke engines na may built-in chokes, partikular na sa Honda XRM-125 2008 model.

Umamin ang Petron Corp, chair and CEO Ramon Ang, na kung ang usapin ay tungkol sa kotse, marami na rin anya silang natatanggap na complaints laban sa E-10.

Ilan sa mga reklamo rito ay bakakasira diumano ang nasabing langis sa gas tank, fuel pump,fuel injector at karburador at ilang pang parts.

Isa sa mga reader ng Bandera na isa ring motorcycle rider ang nagreklamo tungkol sa E-10.

Anya, “pinapatay” di umano ng nasabing langis ang makina ng kanyang motor sa walong-oras na araw-araw niyang biyahe.

“Parang nagtutubig ang makina,” anya. –  Bandera Motor staff.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(MERON ka rin bang problema sa E-10 gas? I-text sa 0917-8052374)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending