Kris binantaan ng madlang pipol sa pagkampi kay Binay
Natanong si Kris Aquino ng isang journalist kung susuportahan niya ang presidential bid ni Vice President Jejomar Binay. Kris answered in the affirmative.
Kris’ answer was, “I like him. We like him. He’s helped us a lot. He is always there for us.” Ang daming naimbiyerna sa sagot na ‘yon ni Kris nang lumabas ang article sa social media. Pati nga ang fans niya ay na-turn off sa kanya.
“Your personal & relationship w/ the Binays should not be the only basis for your endorsement Kris…you will regret this later if you do…OPEN YOUR EYES & Ears to what they do to the people’s money & our country. ikasisira mo lang yan sa mata ng bayan.”
“Your good personal relationship with the Binays should not be used as a ‘passport’ to endorse them to the people of the Philippines. That goodwill should remain with you.
Maawa naman kayo sa bansang Pilipinas. Sa inyo walang ginawang masama o ipinakita, o ipinakisamang masama ang mga Binay, (am sure ginawa nila naman yun not for your own sake but for their personal interest) pero sa taong bayan ba, could we say the same? PLEASE lang!!!
“Kung gagawin ninyong magkakapatid na “Bayad sa utang na loob” sa kung anumang tulong na nabigay sa pamilya ninyo, repay it in any other way na lang, wag nang idamay ang madlang pipol ng Pinas, please.”
Dalawa lang ‘yan sa mga naging reaction ng netizens. But one fan seemingly defended her and said, “That is her personal opinion at di naman ibig sabihin lahat ng followers nya eh iboboto si Binay dahil lang sa sinabi nyang eendorse nya si Binay.
(We like him, I like him). Voters pa rin ang magdedesisyon kung sino gusto nila maging president. Voters din naman ay malayang magsabi kung sino gusto nila at susuportahan nila sa election.”
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.