Guhit ng bata sa palad (2) | Bandera

Guhit ng bata sa palad (2)

Joseph Greenfield |August 31,2014
facebook
share this

Guhit ng bata sa palad (2)

Joseph Greenfield - August 31, 2014 - 01:52 PM

Sulat mula kay E.M., ng Barangay Bolomboan, Pagadian City
Problema:
1.      Nagpakonsulta ako sa government doctor dahil hindi pa ako nabubuntis at magsisiyam na taon na kaming nagsasama ng asawa ko. Niresetahan niya ako ng anim na gamot at pagkalipas ng dalawang buwan ay apat na lang.  Hindi namin nabili ang lahat ng gamot dahil ang iba ay napakamahal.  Marahil ito nga ang dahilan kung hindi ako nabubuntis.
2.    Hindi na rin kami bumalik sa government doctor dahil may sinabi siya na nahihiya ako.  Baka raw hindi sagad.  Natatakot naman ako na sumangguni sa arbolaryo, kasi baka silipin ako.  Kung wala na talagang pag-asa ay mag-aampon na lang kami ng anak ng kamag-anak pero mas gusto ng asawa ko na galing talaga sa amin ang bata.  Magkaka-baby ba kami?  Natatakot kaming tumanda nang walang anak.
Umaasa,
E.M., ng Barangay
Bolomboan, Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing sa buwan ng Enero at Pebrero, dapat samantalahin ang pagtatalik, dahil sa panahong ito maaaring mabuntis ka.
Numerology:
Ang birth date mo namang 3 ay nagsasabing, ang unang magiging baby mo ay isang malusog na babaing sanggol.  At dahil 3 ang birth date mo, favorable kayong magtalik ng iyong mister tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo sa panahong nasa new moon, first quarter at full moon ang buwan sa langit. Sa ganyang diskarte, tulad ng nasabi na, magkakaroon kayo ng pag-asang magka-baby sa 2015.
Luscher Color Test:
Upang matiyak na magkakabuo kayo ng isang matalino at malusog na babaing sanggol, lagi kayong magpatong ng sariwang kulay pulang rosas sa ibabaw ng inyong lamesang kainan. Sa ganyang paraan, mapapaloob sa unconscious
nyong isipan ang makabuo ng isang cute at magandang babaing baby.
Huling payo at paalala:
E.M., ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap, samantalahin ninyo ang pagtatalik at sundin ang mga nasabing gabay sa itaas. Sa ganyang paraan, tulad ng nabanggit na, sa susunod na taon, isisilang ang isang malusog at cute na babaing sanggol na maghahatid ng bagong tuwa at kukumpleto sa pagmamahalan nyong mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending