DEAR Aksyon Line:
Nito lamang pong June ay umalis na ako sa dati kong employer pero sa ngayon po ay may part time job ako sa isang advertising company.
Ano po ba ang dapat kong gawin, gusto ko po sanang maipagpatuloy ang aking PhilHealth contribution, pupwde po ba o pwede ko bang sabihin sa employer ko na ikaltas na lang sa sweldo ko ang contribution sa PhilHealth? Hindi pa po ako regular, mas mabuti nang sigurado at may proteksyon para sa ating kalusu-gan.
Jenny Balesa
REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipabatid sa inyo na maari ninyong ipagpatuloy ang inyong membership sa ilalim Informal Economy.
Mangyari po na bumisita sa malapit na tanggapan ng PhilHealth upang makapag-update kayo ng inyong rekord at ng membership category.
Ang kontribusyon po ng Informal Economy ay ang sumusunod:
Para sa kumikita ng P25,000 o higit pa kada buwan:
P900 kada kwarter
P3,600 kada taon
Para sa kumikita ng mas mababa sa P25,000 kada buwan:
P600 kada kwarter
P2,400 kada taon
Samantala, upang magamit po ang benepisyo, kinakaila-ngan po na ang isang miyembro ay may kontribusyon na tatlong (3) buwan sa loob ng anim (6) na buwan bago ang paggamit.
Kung kayo po ay may iba pang katanungan, maaari po kayong tumawag sa Action Center Hotline 441-7442 o mag-email sa [email protected]
Salamat po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.