True ba, bagong BF daw ni Vicki bading? | Bandera

True ba, bagong BF daw ni Vicki bading?

|February 27,2012
facebook
share this

True ba, bagong BF daw ni Vicki bading?

- February 27, 2012 - 03:03 PM

Kapag ang mga taong sobrang lapit kay Dra. Vicki Belo ang hiningan mo ng opinyon tungkol sa pinakahuling away nila ni Hayden Kho ay pagdadalawang-isip ang mararamdaman mo.

Nandu’n ang kagustuhan nilang sana nga ay nauntog na nang malakas ang doktora, sana nga ay talagang paninindigan na niya ang pakikipaghiwalay kay Hayden, pero meron silang pasubali sa bandang dulo na anuman ang kanilang sabihin ay si Dra. Vicki pa rin naman ang masusunod sa dakong huli.

Sabi ng isang tinanong namin, “Hindi sa pinangungunahan ko si Vicki, pero kilala ko kasi siya, e!

Kapag nilambutsing ‘yun ni Hayden, siguradong sa pagbabalikan din mauuwi ang kuwentong ito.

“Mahal niya talaga si Hayden, wala siyang pakialam kung anuman ang mga pinaggagagawa sa kanya nu’ng lalaki, ang alam lang niya, e, mahal niya si Hayden at ‘yun lang ‘yun!” pahayag nito.

Ang isa naman ay nagsabi, “Naku, ayoko ngang mag-comment, nangyari na ang ganyan nu’n, asang-asa naman kami na totoo ngang kakalimutan na niya si Hayden, pero ano ang nangyari?

“Natalo nga ako sa pustahan nu’n, e! Sa wala ako, pero kamukat-mukat ko, sila na pala uli, nagkabalikan na naman sila! Talo ako sa pustahan!” napapailing namang sabi ng aming kausap.

May mga naniniwala na karelasyon ngayon ni Dra. Vicki ang kanyang yoga instructor na si Al Galang, mas marami naman ang naniniwalang hindi, dahil pareho lang daw naman ang kanilang hanap.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending