Horoscope, August 26, 2014 | Bandera

Horoscope, August 26, 2014

Madam Sophia |August 26,2014
facebook
share this

Horoscope, August 26, 2014

Madam Sophia - August 26, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Anoman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag mong guluhin ang iyong isipan sa mga problemang hindi ka naman kasangkot. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 3, 17, 26, 34, 42 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Green at orange ang buenas.

 Aries – (Marso 21-April 19)—Anoman ang suliraning dumating hindi ka dapat magpaapekto sa kalungkutan. Manatiling masaya, upang dumami ang pera. Sa pag-ibig, kahit na naiinis  sa kasuyo dapat mo siyang ngitian upang muling uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 9, 13, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Iintelligam.” Red at blue ang buenas.

 Taurus – (April 20-May 20)—Kung lagi kang nagmamahal, hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin karin sa larangan ng materyal na bagay. Tandaang ang tapat at dalisay na pag-ibig ang magdadala masaganang kapalaran. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Est-Quia-Certum.” Red at pink ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal, sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Maging palabati sa mga kakilala. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon basta’t amoy shampoo at bagong paligo ka.  Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Blue at black ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22)—Tubig ang iyong suwerte. Sa produktong matubig at maraming likido ka papalarin. Sa pag-ibig, upang lalong mag-init  ang pagmamahalan, yayain ang kasuyo na maligo sa ulan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vid-Hunan-Vid-Hunan-Om.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansiyal, “araw na may walong sinag” ang gawing simbolo sa iyong itatayong negosyo. Sa pag-ibig, kulay na dilaw, ang magpapalakas ng iyong sex appeal. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Bukod sa dilaw buenas din ang orange.

Virgo – (August 23 – September 22)—Umiwas muna sa social gathering gastos lang ang mapapala mo sa mga gawaing ito. Sa pag-ibig, imbis na makiumpok sa mga kasiyahan, ituon ang oras at panahon sa kasuyong Libra.  Mapalad ang 8, 12, 16, 24, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa pag-ibig, iwaksi sa isipan ang labis na kahalayan, puro pagkakaperhan ang dapat mong isiping mabuti at pagkaabalahan. Mapalad ang 4, 12, 23, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nemo-Me-Impune.” Red at black ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Mag-ingat sa isang taong mataba, siya ang sa iyo ay lilinlang. Mas dapat na magtiwala sa isang matangkad na payat. Sa pag-ibig at pinansyal, isang may kayumangging kulay na medyo maliit ang magdadala ng suwerte. Mapalad ang 8, 17, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Violet at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Matamlay ang panahon, kaya magiging matamlay din ang kapalaran. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangan nyong matuklasan, upang muling uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra:  Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Om.” Red at lilac ang buenas.

 Capricorn – (December 22 – January 19)—Nakatakda sa kapalaran mo ang yumaman, ang kailangan lang ay sumiksik sa kukote mo ang pagiging materyoso.  Sa pag-ibig, wag ng pansinin ang kasuyong nangungulit, gusto ka na naman niyang isahan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at gold ang buenas.

 Aquarius – (January 20 – February 18)— May immoral na relasyong nagbabanta. Ingat mabuti sa pagpili ng mamahalin. Sa pinansyal sa produktong butil tuloy ang dating ng maraming salapi. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Visnu-Purana-Om.” Beige at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Umpisahan ng mangalakal sa ibat-ibang lugar, nasa malayong pook ang iyong suwerte.  Sa pag-ibig sa malayong lugar matatagpuan ang hinahanap na true love. Mapalad ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Nulli-Secudeva.” Green at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending