Heart, Daniel umani ng batikos, nilait-lait ng bastos na bashers | Bandera

Heart, Daniel umani ng batikos, nilait-lait ng bastos na bashers

Ambet Nabus |August 26,2014
facebook
share this

Heart, Daniel umani ng batikos, nilait-lait ng bastos na bashers

Ambet Nabus - August 26, 2014 - 03:00 AM


IBANG klase talaga ang Pinoy televiewers and supporters. Kung kailan kasi nagtapos ang PBB All In ay saka naman ito pinag-usapan at literal na nag-trending (yung iba kasi halatang pinilit. Ha-hahaha!).

Mabuti na lang at nanonood talaga kami kaya kahit paano ay nakaka-relate kami sa mga nangyayari sa loob ng bahay ni Kuya.
Masaya kami na ang huling na-evict ay si Loisa.

O, di ba tama kami sa aming kampanya na hindi sila dapat pumasok ni Joshua sa top 4 dahil sa pagiging “scheming” nilang maglaro at makitungo sa kapwa housemates nila?

Sina Daniel Matsunaga at Maris Racal, ang personal bets namin. Gusto namin si Maris dahil napakasimple nito at naaaliw kami sa guitar and singing talents niya.

Nag-ilusyon nga kami noon na maging loveteam sila ni Manolo. Ha-hahaha! As for Daniel, masarap siyang panooring nagpapaka-totoo sa loob. Yung lang, period!

Maintriga ang pagkakapanalo ni Daniel kasi nga hindi naman siya Pinoy at late na rin siyang pumasok sa Bahay ni Kuya. But then again, we reported here noon na opisyal siyang ginawang celebrity housemate base na rin sa panlasa ng mga nagpapatakbo ng show.

He came in during the time na talagang bagsak ang rating ng show at matapos nga siyang halos maging co-host ng morning show ni Kris Aquino, na sinabi nga rin natin noon na siya marahil naging “major sponsor” ng hunk actor para bigyan ng chance sa PBB All In.

For us, he did so well sa loob at hinangaan namin ang pagiging positive niya at pagkasimple despite his status sa showbiz compared to the other housemates.

Hmmmm, at dahil nag-trending din si “Boy Pak Yu” na nahuli ng camera habang naka-dirty finger kay Daniel Matsunaga, hindi kaya siya ang  ma-discover at sumikat? Ha-hahaha!

Call it pure coincidence, pero nu’ng Sabado kung kailan nga in-announce ang top 4 sa PBB, ay siya rin namang araw na naging memorable for Heart Evangelista.

Ex-GF ni Daniel si Heart na finally ay nakatanggap na ng marriage proposal mula sa kanyang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero.

Siyempre pinag-usapan at nag-trending din ang naturang proposal na ginawa pa mismo sa lugar nina Sen. Chiz sa Sorsogon (regular silang pumapasyal doon ni Heart).

Although wala pa tayong nakukuhang detalye ng kasalang magaganap, alam nating in high heavens ang aktres-TV host dahil noon pa nga niya sinasabi bilang si Chiz na nga raw ang lalaking nakikita niya na makasama habambuhay.

Akala nga natin ay magaganap ito sa naging huling bakasyon nila sa isang Asian cruise last summer dahil nararamdaman na raw talaga ni Heart noon na malapit na siyang tanungin ng senador ng, “Will you marry me?”

Until last Saturday nga, sa piling ng mga kaibigan nila sa Bicol (at balitang naki-join din sina Alessandra de Rossi at Lovi Poe) ay hiningi nang pormal ni Sen. Chiz ang kamay ng dalaga.

At nagkataon ding si Daniel naman ang naging big winner sa PBB All In kaya’t yung coincidence o timing ng movement ng “stars” nila  na sabay silang pag-uusapan at magiging headlines sa mga balita, eh bongga na ring matatawag.

Bihira kaya yung mangyari sa mga dating magkarelasyon, noh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to heart daniel official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending