Maricar bagong Pambansang Kontrabida | Bandera

Maricar bagong Pambansang Kontrabida

Ervin Santiago - August 26, 2014 - 03:00 AM


KUNG nabibitin kayo sa mga confrontation scene ng Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo at ng bagong pambansang kontrabida na si Maricar Reyes-Poon, naku, huwag na huwag kayong aabsent ngayong linggo sa pagpapatuloy ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Tiyak na mas kaabang-abang ang mapapanood n’yong mga eksena nina Rose/Emmanuelle at Shasha this week dahil patindi na nang patindi ang bawat tagpo sa paborito n’yong serye.

At siyempre, bukod pa riyan ang madadrama at maiinit na tagpo nina Bea at Paulo Avelino bilang si Patrick. “Bawat taping namin, kahit mabibigat ang mga eksena enjoy talaga, lalo na kapag may confrontation scene kami ni Maricar.

Lagi kaming looking forward sa mga susunod naming mga eksena,” chika ni Bea na gabi-gabing pinatutunayan sa mga manonood na karapat-dapat siyang tawaging drama queen.

Samantala, tiyak na mas paiinitin ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang gabi ng TV viewers sa patuloy na paghihiganti ni Rose, hanggang saan nga kaya aabot ang galit niya kina Sasha at Patrick?

Mapagtatagumpayan pa rin ba niya ang paghahanap sa tunay na pumatay kay Emmanuelle at sa kanyang ama? Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay kwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya.

Ito ay sa direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan at napapanood pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida.

( Photo credit to maricar reyes official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending