Mark Anthony nabiktima ng sindikato sa FB, pati anak dinamay | Bandera

Mark Anthony nabiktima ng sindikato sa FB, pati anak dinamay

Ervin Santiago |August 25,2014
facebook
share this

Mark Anthony nabiktima ng sindikato sa FB, pati anak dinamay

Ervin Santiago - August 25, 2014 - 03:00 AM


Nanawagan si Mark Anthony Fernandez sa mga kaanak at kaibigan niya na huwag magpapaloko sa poser niya sa social media. In-announce ng Kapuso actor na meron daw isang taong gumagamit ng kanyang pangalan para makapangloko ng kapwa.

Sa Facebook daw kasi ay may gumamit ng “Mark Anthony Fernandez” at nagpakalat ng balitang may dengue raw ang kanyang baby. Ayon sa kampo ng aktor, hindi raw ito totoo.

Binalaan din ni Mark na huwag daw i-accept ang sinumang nagpapa-add sa anumang social networking sites na gamit ang pangalan niya.

Posible raw kasi na magkalat pa ito ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya at baka raw manghingi pa ng pera sa mga maloloko ng nito.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending