Di na ba kailangan si Korina o Shalani? | Bandera

Di na ba kailangan si Korina o Shalani?

- September 22, 2009 - 02:16 PM

INASAHAN ng taumbayan sa “Big Day” ng Liberal Party ang pahayag ni Mar Roxas na tatakbo bilang bise presidente ni Noy Aquino.
Inaasahan din nila na naroon ang dalawang babae na malalapit sa kanilang mga puso: sina Korina (kay Mar) at Shalani (kay Noy).
Wala nga naman ang dalawang babae.  Pero, sinabi nina Noy at Mar na abala sila sa kani-kanilang pinagkakaabalahan.
Marahil hindi sila abala sa kani-kanilang pinagkakaabalahan nang dumalo sila sa mga naunang pagtitipon ng partido.  At sa Big Day ay abala sila sa kani-kanilang pinagkakaabalahan.
Ramon Magsaysay-Luz, Carlos Garcia-Leonila, Diosdado Macapagal-Eva, Ferdinand Marcos-Imelda, Fidel Ramos-Ming, Joseph Estrada-Loi.
Nakatutulong nga ba ang mga babae sa mga naghahangad ng matataas na puwesto?
Kailangan ba sina Korina at Shalani para manalo sina Mar at Noy?

BANDERA Editorial, 092209

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending